Chapter 18 - Celebration (III)

23 9 0
                                    

(Kyle's POV)

Gulat akong napatingin kay Aki. Tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan habang nakatingin pa rin sa akin.

Bakit gano'n? Kahit na indirect kiss lang naman iyon ay bakit ganito ang epekto sa akin? Hindi nga big deal sa iba kapag ininuman mo ang baso na nainuman na nila pero bakit ganito? Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Parang kakapusin ata ako sa hininga. I never felt this before. Even when I'm kissing Nicole. Hindi ako nakaramdam ng ganito. Para ring may kung ano sa tiyan ko na lumilipad.

Hanggang ngayon ay magkatitigan kami ni Aki. Nakita ko na namula ang gilid ng pisngi niya.

"S-sorry. I-I don't know it's y-yours" utal-utal na sabi ko habang nakatingin pa rin kay Aki na napako sa kinatatayuan

"Huy! Anyare?" hinihingal na tanong ni John na nakaupo na sa kaninang kinauupuan ni Faye

"W-wala" inalis na sa akin ni Aki ang tingin at tumingin kay John

"Omg ka pre! Direct kiss 'yon! Ayie!" bulong sa akin ni Mark na nasa kaliwa ko

"Tch. It's indirect kiss. I.N.D.I.R.E.C.T." pagtatama ko sa kaniya

"Kahit na! Kiss pa rin 'yon! Hala ka! Lagot ka sa amo mo! Este kay Nicole!" pananakot pa ni Mark habang ang index finger ay sumesenyas ng "lagot ka"

Nakita ko namang napapailing si Rey na nasa kaliwa ni Mark

"There's no actually a big deal. Nainuman niya lang naman ang nainuman ni Aki. I doubt the fact na hindi pa 'yon nangyari sa kanila noong kids sila so as a friend, I think it's normal. Gano'n din naman tayo. Kaya nga lang she's a girl kaya malalagyan talaga ng malisya, but for me, there's no big deal. Kung may nararamdaman siguro si Aki kay Kyle or may nararamdaman si Kyle kay Aki-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Rey

"Y-yeah. T-there's no big deal. W-wala lang 'yon. N-nagulat lang kami. Wala. Wala. Wala. Wala akong f-feelings s-sa kaniya, and s-siya rin w-wala" kahit na nakakalungkot isipin na wala nga siyang nararamdaman ay pinilit kong iayos ang tono ko

Baka isipin nila na nanghihinayang ako na walang nararamdaman sa akin si Aki. Alam naman nila na nagkagusto ako kay Aki when we're kids pero simula nang malaman nila na may gifriend na ako, alam na nila na wala na akong nararamdaman. Si Rey, siya ang nagpapatatag sa loob ko na wala na nga akong nararamdaman kay Aki. Pero makulit si Mark! Palagi na lang sa tuwing usapan patungkol kay Aki ay iniinis niya ako!

Iniiwas ko ang tingin sa kanila at ibinaling ang tingin kina Aki na binibigyan ng tubig si John. What the f*ck?! 'Yong tubig na ininuman ko ang ibinigay nila kay John?! 'Di ba nainuman na rin 'yon ni Aki?! Bakit parang wala lang 'yon sa kanila?! Baka nga ako lang ang nag iisip na big deal ang ginawa kong pag inom sa baso na nainuman na ni Aki dahil parang wala lang naman sa kaniya. Napabuntong hininga tuloy ako

Nakita ko na nag cross arms si Aki habang masama ang tingin kay John na kasalukuyang umiinom ng tubig. Samantalang si Faye naman ay umupo sa kinauupuan kanina ni Vell. Si Vell naman ay may ginagalaw sa camera niya

"So bakit ka hingal na hingal, Mr. Valeros?" naka cross arms na tanong ni Aki at magkasalubong ang kilay

I miss her. I miss the moments of us when she shows concern. I miss when her brows are furrowed showing how angry or irritated she was. I miss her "strict-mother-aura". I miss all of her sermon. Pero ngayon mukhang sa iba niya na ipinapakita 'yong mga bagay na 'yon.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon