Chapter 35 - New Friends

14 2 0
                                    

(Akisha's POV)

"Nga pala, anong update na sa inyo ni Nicole? Di ko pa ulit siya nakikita ah"

Magkaharap kami ngayon ni Kyle habang kumakain ng cookies and cream ice cream dito sa may sala habang nanonood ng movie.

Kakauwi ko lang mula sa school and just like yesterday, ayun ganoon pa rin. Wala pa rin akong kaibigan. Tapos nagpractice din kami kanina ng sayaw namin sa MAPEH, remix ang tunog pero maganda ang beat kaya nakakasabay naman ako.

Nagkibit balikat lamang si Kyle

"Woy! I-update mo yun ha! Baka mamaya magalit yun sa akin dahil lagi kang nandito" inilingan lamang ako ng aking kaharap

"Well, we..." may sasabihin sana siya kaso hindi niya itinuloy

"Woy anong sasabihin mo?" nakatutok na tuloy ako sa halip na sa pinapanood tumutok

"Wala" umiling muli ito

"Bakit ka ba laging nandito? Ginawa mo nang bahay mo ito eh" kumain na lang muli ako ng ice cream

"Tss, di ka pa nasanay" inirapan ko na lamang siya

"Teka, ano nga palang lesson niyo na sa PE?" random na tanong ko dito

"Hip hop dance" maikli nitong sagot

"Same. Narinig ko kanina sa groupmates ko na baka raw sa last week ng quarter, magkaroon ng competetion ang mga school" napapatangong saad ko

"Oh really? Edi magkikita pala tayo?" nagkibit-balikat lamang ako

"Ewan, ang sabi nila ay isang section na representative lang daw ang bawat school. Sa probably, maliit ang chance na makasama ako HAHAHA" natatawa kong sabi

"Ngek, okay lang 'yan. Parati naman tayong nagkikita" he chuckled

"Kaya nga eh, sawa na ako sa mukha mo" nag pout ako, namimiss ko na naman tuloy ang ibang mga kaibigan ko

Hindi ko na muli pang nacontact si John. Tapos, nalaman ko na yung katapat naming bahay ay lumipat na raw ng bahay. Di ko nga lang alam kung sina John ba 'yun

"Tsk. Porke may nakilala kang ibang kaibigan nung naospital ka, ganiyan ka na. Dati naman kahit may iba kang kaibigan ako ang main friend mo. Sakit mo na, tseb" nagkukunwaring nalulungkot na saad nito

"Tss, manahimik na nga tayo, di ko na nasundan ang movie" napatawa naman siya dahil doon

Our bonding, bumalik na sa dati. Yung mga panahon, bago siya umalis. Yung panahon bago raw ako naospital.

>•<

Nang matapos na namin ang aming pinapanood ay nagpaalam na siya na uuwi. Gumagabi na rin kasi

Tapos nalaman ko pa na may assignment pa pala ang loko. Madali lang naman daw dahil Math lang. Psh, mayabang.

Dumating din kinagabihan sina mom and dad. Seryosong seryoso sila. Mukhang napagod sila sa mga inaasikaso nila nitong mga nakaraang araw. Kahit kasi sa vacation namin palagi silang may kausap sa telepono kaya parang di rin sila nagbakasyon.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon