Chapter 34 - New Start

13 2 0
                                    

(Akisha's POV)

Gabi na ngayon at nakauwi na kanina pa si Kyle.

Ngayon ay hawak-hawak ko ang aking cellphone. Chinarge ko kanina, kaya ngayon ko lang nagamit. Kinakabahan man ay minabuti kong buhayin ang cellphone.

Nang mabuksan ko iyon ay natigilan ako. Teka! Paanong nangyari ito?!?!

Para akong nag time travel sa nakikita ko ngayon. Nang buksan ko ang photos ay nawala ang mga dati ay maraming picture namin ng aking mga kaibigan!

Paano nangyari ito?! Ang social media ko ay nakadeactivate, naalala ko na dini-activate ko ito dati.

Ang mga contacts ko sa aking cellphone sa aking mga kaibigan ay biglang nawala.

Don't tell me na talagang nacoma ako?!

Biglang nag pop sa utak ko si John! Kaagad kong hinanap sa cabinet ang panyo niya pero wala akong nakita!

Teka-- Diba kapitbahay namin si John?!

Nang dahil sa isiping iyon ay kaagad akong lumabas sa may kwarto. Madilim na kaya naman inilawan ko ng flashlight mula sa aking cellphone ang veranda dito sa may taas. Masisilip naman ang labas kaya nagtungo ako doon.

Nang makarating sa veranda dito sa may taas ay kuminang ang aking mata! Bakit ba hindi ko kaagad naisip yun!

Nakatayo pa rin sa tapat ng bahay namin ang bahay nina John! Tila ba nabunutan ako ng tinik sa lalamunan dahil doon. Kung tumakas kaya ako?! It-try kong silipin ang bahay nina John!

Dahil sa naisip ay kaagad akong nagtungo sa aking kwarto at nagpalit ng damit. Nag hoodie ako habang panjama pa rin ang aking pambaba. Nakaligo na rin naman ako kanina kaya hindi na ako naligong muli. Nag hilamos lang ako ng mukha.

Nang mapansin na tahimik ang paligid ay dahan-dahan akong naglakad pababa ng hagdan.

Ngunit napatigil ako nang maramdamang may taong nasa likuran ko. Ayaw kong lumingon. Kinakabahan na ako at nagpatuloy na lang sa pagbaba ngunit sumusunod pa rin ag nasa may likuran ko.

Hindi ko na kinaya ang kaba na nararamdaman ko kaya tumakbo na ako papunta sa sala at tumalikod upang makita kung sino ang sumusunod sa akin.

"Where do you think you're going in this hours, Akisha?" madiin at seryosong tanong ni dad, siya pala ang sumusunod sa akin

"P-po? Naisip ko lang pong m-magpahangin" saad ko kahit na kinakabahan pa rin

Hindi naman ako natatakot nang ganito dati kay dad... sobrang lambing pa nga niya sa amin ni mom

"Magpahangin nang ganitong oras? Pwede ka namang magpahangin sa veranda sa taas" patay, nahuli na ako

"Eh kasi po, namiss ko rin pong mag ikot s-sa labas. S-sabi niyo nga po ay 3 years akong nacoma. G-gusto ko lang pong maramdaman ulit ang p-paligid" nanginginig man sa kaba ay pilit kong nilakasan ang loob

Bumuntong hininga si dad at hinilot ang sintido.

"Gabi na, bukas ka na lang ng umaga maggala. Hindi ba't takot ka sa dilim?" dahil doon ay napatigil ako

Takot ako sa dilim pero dahil sa mga pinagdaanan ko, parang mas takot na ako sa kasinungalingang nagmumula sa bibig nila.

"I already overcome it na po" nakatungong saad ko

"How did you overcome it? It's been 3 years since the last time you had a therapy" at noon ko lamang napagtanto ang sinabi ni dad

Pero teka--- isang taon na akong hindi nakakapagpatheraphy. I stopped because Dr. Vicencio, my therapist said that I can overcome it if I faced it. At natigil ang pagpapatheraphy ko dahil nag insist ako kina mom na itigil na.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon