Chapter 49 - Reunite

4 0 0
                                    

(Akisha's POV)

It's already Monday. Napag alaman ko na talagang nag stop si Nicole sa pag-aaral. I told my parents about that at sinabi nilang kukuha na lang sila ng private tutor. Napaisip tuloy sila na sana noon pa nila ako pina-private tutor pero I insisted na makatapos ng junior high sa school.

I can't wait na maikwento kay Shell ang mga nangyari. Kaso she said na baka hindi siya makipagkita sa akin ngayon dahil exam week na, kailangan nang mag-aral. Oo nga pala. Sa sobrang pagkabusy ko sa buhay hindi ko na naalala ang school life ko. Gusto ko pa man ding maging best ang school year na ito.

Nakinig ako sa lesson maghapon at nag take ng notes. Pagod tuloy ako nang matapos ang last period.

Malapit na rin palang mag 15, hindi na kami nakapag kita pa ni John. Kumusta na kaya ang tao na 'yon?

Dagdag pa pala na may last na gagawin kami sa MAPEH, mag co-cover ng kanta. May pakana kasi ang MAPEH department bago mag end ang quarter. Hindi pa rin pala ako makakauwi. Sabi naman nila may incentives naman daw kaya, go lang.

"Si Aki na lang ang kumanta tapos ay bida sina Fatima at EJ."

Tututol sana ako sa suggestion ni Elijah pero tumango na si Asher. Sisimulan na namin ngayon ang pagsho-shoot. Si Asher ang may dala ng camera, samantalang sina Faye, at Elijah ang may dala ng susuotin. Sina Ben at Carl naman ang naghahanap ng pagsho-shooting-an namin

Wala pa sa kalahati ang natapos namin.

'Wish You Were Here' by Avril Lavigne ang napili naming kanta.

I really wish my friends were here with me.

Nagpaalam na kami nang matapos ngayong araw. Nang sunduin ako ni kuya Roderto ay hindi ko napigilang hindi makatulog dahil sa pagod.

Naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko. Nang imulat ko ang mata ay tumambad sa akin si Kyle.

"Aki, let's go inside na," malambing na sabi ni Kyle kaya tumango ako.

Inalalayan niya ako hanggang makapunta kami sa may terrace namin. Binuksan ko na ang pinto at biglang nawala ang antok ko nang makarinig ako ng pagsabog ng confetti.

Saglit— confetti?!

Nanlaki ang mata ko nang makita ang mga kaibigan ko sa sala! Am I dreaming?! Please don't wake me!

Nagsimula na akong maluha nang lumapit sila sa akin. Kaagad kaming nag group hug! Namiss ko sila!

"Bruha ka!! Namiss kita!!" naiiyak na sabi ni Faye habang nakayakap sa akin

"Namiss ko ang kaingayan mo!" naiiyak ko namang sabi habang mahigpit na yumakap sa kaniya.

"Aki! Huhu, miss na miss na kita!" mas napaluha tuloy ako dahil kay Vell! Niyakap ko rin siya nag mahigpit

Nagyakap kaming tatlo at napatalon pa sa sobrang tuwa!

"Namiss ko kayo nang sobra huhu!!" thank you G!

Namiss ko ang mga kaadikan nila sa Kdrama. Ang mga kakulitan nila! Syempre— ang mga kadramahan nila!

"Tabi nga kayo, miss na miss ko na ang Aki ko na 'yan!" hinawi ni John sina Faye at Vell kaya napaatras ang dalawa.

"John naman!" inis na sabi ng dalawa pero nag make face lang sa kanila si John.

Sasapakin sana ni Faye si John pero napigilan siya ni Mark!

Mark and Rey are also here!

Sa akin na nakatingin si John at akmang yayakap siya sa akin nang mapatigil.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon