Chapter 23 - Sermon

39 5 67
                                    

(Akisha's POV)

Nakaramdam ako ng lamig kaya nagising ako. Nang imulat ko ang mata ko ay nagulat ako nang makita na nasa kuwarto na ako. Iginala ko ang paningin ko upang tingnan kung may kasama ba ako sa kuwarto pero nakahinga ako nang maluwag nang wala.

Babalik na sana ako sa tulog nang makarinig ako ng sigaw

"What the fuck is your problem?! You're really testing my patience! What the fuck would you do if I tell where her room is?!" narinig kong sigaw ng pamilyar na boses

Wala sa sariling napabangon ako. Ano bang oras na? Sa palagay ko ay hindi pa ako gaanong katagal natutulog. Paano nga ba ako nakapunta sa kuwarto ko?

At naalala ko ang nangyari kanina. Ang usapan sa pagitan namin ni Kyle.

Napasabunot ako sa aking buhok. Ano bang mga sinabi ko?! Nadala na naman ako sa emosyon! Ano ba naman Aki! Gaga ka!

Iwinaglit ko na muna sa aking isipan ang iniisip at umiling nang umiling.

Binuksan ko na ang pinto at hindi nag abalang mag ayos ng sarili. Nagulat ako nang makita sina Vell at Faye na inaalalayan nina Rey at Mark! Omg! Bakit mukhang umiyak sila? Anong nangyari?

"Vell? Faye?" tawag ko sa kanila

Napahinto silang lahat sa akmang paglalakad. Mukhang bababa na sila pero dahil siguro narinig din nila ang sigawan ay naisipan nilang bumalik.

"Oh Aki!" tawag ni Mark sa akin

"Nasaan sina Kyle at John?" tanong ko habang seryosong nakatingin sa kanila

"Hala! Iyon na nga eh! Mukhang nagtatalo na naman!" saad ni Mark

Lumapit na ako sa kanila at nagsimula na kaming maglakad

"Nagtatalo na naman?" naguguluhang tanong ko pero walang sumagot

Ngunit nasagot ang mga tanong ko nang matanaw sina Kyle at John

"Fuck you!" nagulat ako nang sapakin ni Kyle si John!

Napabaling patagilid ang mukha ni John! Akmang lalapit na ako nang bumawi si John

"Fuck you too!" sigaw naman ni John at sinuntok si Kyle

Naramdaman ko ang pag init ng dugo ko! Ano bang nangyayari sa dalawang ito?! Bakit nagsasapakan?!
Akmang sasapakin ni Kyle si John nang magsalita ako

"Tumigil nga kayo!" inis na sigaw ko sa kanila

Ano bang problema ng dalawang 'to?! Bakit nagsasapakan?!

Lumapit ako sa kanilang dalawa. Sinamaan ko sila ng tingin habang nakakunot ang noo. Gulong-gulo ako! Ano bang nangyari noong nakatulog ako?

Kailangan naming mag usap-usap! Himdi maaaring hindi magkaayos ang dalawang ito dahil pag uuntugin ko lang sila! Aba! Nagawang magsapakan kahit hindi naman nila pamamahay! Siguro kung nakita sila nina lola at lolo lagot sila sa kanila! Sabi kasi ni mom strict daw sila at oo! Ramdam ko naman ang pagkastrict nila!

"Sa baba!" pasigaw na utos ko habang nakaturo ang hintuturo sa may hagdan

Pero hindi sila gumalaw! Ano ba naman ang mga ito?! Hindi ba sila nakakaintindi?!

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon