Chapter 27 - Sound Trip

14 4 39
                                    

(Akisha's POV)

Iniayos na ni Vell ang mga camera sa tripod niya at inilagay sa may gilid at inistart ang camera

"So ang magiging mechanics ng game is, magb-blind fold ang taya gamit itong panyo tapos iikot ng limang beses, tapos dapat mahuli niya tayo gamit ang pandama tapos huhulaan ng taya kung sino yung nahawakan niya. Tapos yung mahahawakan ng taya ay susunod na magiging taya" pagpapaliwanag ko

"Ha paano?" obviously si Mark ang nagtanong

Napabuntong hininga ako. Itinakip ko ang panyo sa may mata ko. Sinakop na naman ako ng dilim. Kaagad kong tinanggal ang panyo. Bakit ba kasi bumibigat ang dibdib ko kapag nilalamon na ng dilim ang mata ko. Huminga ako nang malalim. Dahil nga madilim dito dahil walang liwanag ay mas dumilim kapag nagtakip ng panyo. Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng nararamdaman ko tuwing madilim.

Lumapit sa akin si Kenneth

"Ako na lang" saad niya kaya nangunot ang noo ko

"Ikaw ang?" tanong ko

"Ang mag e-explain. Ako na rin ang magpapasimula ng laro at okay lang kung hindi ka na maging taya, if okay lang sayo?" nag aalalang tanong niya

"Pero that's against the rules, right?" saad ko at tumingin kina Vell at Rey

Napabuntong hininga si Vell

"Fine. Okay lang, kung si K-Kenneth ang mag p-papasimula ng laro. O-okay na rin kung hindi na m-maging taya si Aki" saad ni Vell at umiwas ng tingin

"No! That would be fucking unfair!" sigaw naman ni Nicole habang masama ang tingin sa akin

Inawat naman ni Kyle si Nicole

"Yeah, that would be unfair" saad ko at bumuntong hininga

"But she has nyctophobia for fuck's sakes!" inis na saad ni Kenneth

"Eh bakit niya pa sinuggest ang game kung hindi naman pala sya maglalaro?" singhal na sagot ni Nicole

Nakita ko ang pagkuyom ng kamao ni Kenneth

"Kenneth, okay nga lang" saad ko

Tumingin siya sa akin at bumuntong hininga nang malalim

"Fine" napapailing na sambit ni Kenneth

Akmang kukuhanin na ni Kenneth sa kamay ko ang panyo nang lumapit naman si John

"T-teka lang. A-ako na ang maglalagay sa inyo ng p-panyo. Baka kasi m-masira niyo" saad ni John

Kaya tumango na lang kami. I know na mahalaga ang panyong ito sa kaniya

Kinuha niya sa kamay ko ang panyo. Huminga ako nang malalim

Pumwesto na sa may likod ko si John at ilalagay na ang panyo sa mga mata ko. Maingat niyang inilagay ang panyo sa may mata ko

"Sigurado kang okay ka lang?" bulong ni John sa akin

"Oo" sagot ko

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon