Chapter 17 - Celebration (II)

33 11 77
                                    

(Kyle's POV)

Nandito ako ngayon sa ospital. Umalis kanina sina mom and dad. I don't know where they go. But I'm hoping na hindi sila pumunta sa mga Aspre.

Kami lang ni Kenneth ang naririto sa room. Kanina pang tahimik kaya ramdam ko ang awkwardness pero hindi ko naman binasag ang katahimikan

Tumikhim siya kaya napalingon ako sa kaniya. Kakacheck lang sa kaniya ng nurse kanina kaya gising siya

"Gusto kong makita si Aki" dahil sa sinabi niya ay may kung anong inis ang naramdaman ko pero pilit kong hindi ipinahalata sa kaniya

"Tss. Kung magkakaroon ka ng piso kada sabihin mo 'yan, siguro mayaman ka na" nakangiwing sabi ko at iniiwas ang tingin

Tumingin na lamang ako sa bintana. Hapon na. Bakit kaya hindi pa bumabalik sina mom and dad?

"Haha. I really miss her. Tawagan mo naman oh" nakakunot ang noong napabaling muli ako sa kaniya

"Why would I do that?" nakakunot ang noong tanong ko

Umiling siya at sa huli ay napahalakhak. At dahil sa takot na baka mapaano siya dahil may karamdaman siya ay lumapit ako sa kaniya

"Ano ba?! Bakit ka humahalakhak diyan? Baka kung anong mangyari sa puso mo. Umayos ka nga" nakakunot ang noong singhal ko sa kaniya

Tumigil naman siya sa pagtawa at malapad ang ngiting tumingin sa akin kaya naman napalayo ako nang kaunti sa kaniya

"Akala ko ba sa puso ka may sakit? Bakit pati utak mo yata kuya, ay may diperensya? May sayad ka ba?" napapahakbang patalikod na sabi ko

"Tss. Nakakatuwa kasing pagmasdan na naiinis ka. I mean- tatawagan mo lang naman si Aki. There's no big deal" napapailing na sabi niya habang nakangiti- o ngisi

"Tch. Edi tawagan mo. May cellphone ka naman" nakaiwas ang tingin na sabi ko sa kaniya

Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"Natatakot ako" saad niya kaya napalingon akong muli sa kaniya pero sa bintana na siya nakatingin

Nakakunot ang noo ko hanggang sa humarap siya sa akin

"Bakit?" takang tanong ko

"Baka kasi hindi niya sagutin" naguguluhan pa rin ako sa sagot niya

Bumuntong hininga pa siya bago humiga nang ayos at pumikit. Naguguluhang pinanood ko siyang umayos ng higa hanggang sa makapikit siya, naghahanap ng matinong kasagutan at interpretasyon sa sinabi niya

"Sigurado naman ako na sasagutin niya 'yon. Kaibigan ka niya after all, baka nga more than pa? Baka kapag ako ang tumawag babaan lang ako" natatawang ani ko

Hindi ko alam kung tulog na ba si Kenneth o nakapikit lang. Pero sinabi ko pa rin ang gusto kong sabihin. Napabuntong hininga ako. Dahil sa sinabi ko ay may kurot akong naramadaman. Ayaw kong mangyari nga iyon. Kaya hindi ko na talaga susubukan na tawagan siya dahil ayaw ko na makitang babaan niya lang ako ng tawag.

"Thanks for that, pero wala pa kami sa more than HAHAHA. Parang gusto ko tuloy agad siyang tawagan" napabalikwas ako nang magsalita siya at magmulat ng mata

Umupo ako sa sofa habang si Kenneth ay halatang natuwa dahil sa sinabi ko. Edi sana all masaya

Humarap siya sa akin nang may malapad na ngiti. Ngumiwi naman ako sa kaniya

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon