Chapter 2- He's back

96 29 7
                                    

(Akisha's POV)

Nagising ako nang maramdaman na may umupo sa kama sa may bandang paanan ko. Minulat ko ang aking mata at nakita si Kenneth na naka upo at nakatingin sa akin.

Nasa clinic pa rin ako. Nasa school pa rin ako!

I looked around at nakita ko sa isa pang clinic bed na nakaupo sina Faye, Vell at John.

Hindi ko alam kung anong oras na pero hindi pa gaanong madilim so I think hapon pa lang.

Napaidlip lang siguro ako dahil sa sakit ng katawan.

"Akisha, are you feeling well now?" tanong ni Kenneth.

I checked myself at sa tingin ko hindi ko na masyadong iniinda ang sakit ng mga pasa ko.

"O-Oo, bakit nandito pa kayo? Anong oras na?" Tanong ko sa kanila.

"Mag pa-five thirty Akisha." Sagot ni Vell na tumingin sa orasan ng cellphone niya.

So dalawang oras akong nawalan ng malay?! Hindi pa ganoong kadilim ah? Baka dahil sa ilaw kaya hindi ko napansin na mag g-gabi na pala.

"T-Tara na. Baka naghihintay na sa inyo ang mga parents niyo." Nag-aalala ako dahil baka mapagalitan pa sila dahil late na.

"It's okay Akisha. May masakit pa ba sayo?" Nag-aalalang tanong naman ni John.

Umiling lang ako. Medyo masakit pa rin ang pasa sa may braso ko pero hindi naman yun malala.

"Let's go na guys. Baka hinahanap na rin ako ni Manang. By the way, thank you!" Nakangiting sabi ko sa kanila.

Tumango na lang sila at nginitian ako. Bumangon na ako at inalalayan nila ako.

Nagpasalamat muna kami kay Nurse Marie bago lumabas ng clinic. Kami na lang siguro ang tao dito dahil wala ng ingay.

Habang naglalakad palabas sa gate ay tiningnan ako ni Faye. Kanina pa siyang hindi nagsasalita kaya nilingon ko siya.

"Faye okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

Mukhang nagulat pa siya.

"O-Oo hehe. B-Bakit mo naman n-naitanong?" Peke pa siyang ngumiti.

Hindi naman gan'to 'tong babaeng ito. I wonder why she's being weird now.

"A-Aki." Nang tawagin niya ako, this time I sense na kabado siya.

Lumingon ako sa kaniya and I look at her with questioning eyes.

"W-Wala pala." Pagbawi niya at umiiwas ng tingin.

I wrinkled my forehead at her kasi alam ko na may tinatago siya. Ayoko namang paghinalaan siya sa kung ano pero nakakapanibago lang.

Nauuna si John sa amin. Nasa kanan ko si Faye at sa kaliwa ay si Vell. Nasa likod naman namin si Kenneth.

Nagtataka pa rin ako sa iniaasta ni Faye pero ayoko naman siyang pagbintangan kung saan. Nasa harapan na kami ng gate at nilo-lock na iyon.

"Mang Jevs!" tawag ni Kenneth kay manong guard.

"Oh, bakit nandito pa kayo mga bata? Magdidilim na." Takang tanong ni Mang Jevs na binubuksan muli ang gate.

"Nagkaroon lang po ng away—" napatigil si John nang siniko ko ito. Tumingin naman si Manong sa gawi ko na may kasamang pag-aalala at hinatid niya na kami palabas ng gate.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon