Chapter 54 - Birthday

3 0 0
                                    

"Happy birthday!"

Kagigising ko pa lang at kababa mula sa kwarto ko nang sumalubong sa may sala sina Mom, Dad, Manang, Nicole, Tita Aimee....

Maging sina Kyle at Kenneth ay naririto!

Habang pababa ako ng hagdan ay kumanta na sila.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday. Happy birthday to you!" masayang sabay-sabay nilang bati.

Malawak akong napangiti sa kanila. Nang makalapit ako sa kanila sa sala.

Akala ko ay tapos na sila nang kumanta pa ulit sila.

"Saengil chukha hamnida. Saengil chukha hamnida. Saranghaneun Akisha. Saengil chukha hamnida"

"Happy birthday Akisha!" sabay-sabay nilang bati.

"Thank you po sa inyo!" magiliw ko namang bati sa kanila.

Napasuklay ako sa buhok gamit ang daliri dahil kababangon ko pa lang talaga! Pero nakapaghilamos naman ako, hindi nga lang ako nakapagsuklay.

Niyakap ako ni Mom and Dad

"You're already 16, anak. Continue doing what you love but of course still know your limits. Happy birthday, my daughter, we love you,"

"Happy birthday, sweetie! Ang bilis ng panahon, 16 ka na agad! Basta kapag kailangan mo ng tulong, nandito lang kami. Sorry sa nga nagawa namin sa'yo anak. Mahal ka namin ng Dad mo."

May iniabot sila sa akin ng box at naramdaman kong mabigat iyon!

"Thank you po! Hindi naman na po kailangan. 'Yong celebration pa nga lang po sa restaurant, okay na po"

"Deserve mo 'yan anak. You've been through a lot," nakangiting sabi ni Dad

Tumango naman si Mom bago yumakap kay Dad.

Sunod na lumapit sa akin si Tita Aimee at niyakap ako.

"16 na ang Aki namin na 'yan! Dalaga na! Feel ko sasagutin niya na si— Joke lang, baka umasa 'yong isa d'yan!" mapanuksong bati ni Tita na sinulyapan pa si Kyle na namumula ngayon ang tenga.

"Tita naman," nakanguso kong sabi kaya tinawanan niya ako.

"Joke lang! Love ka ni Tita, okay? Happy birthday!"

May ibinigay siya sa akin na paperbag.

"Thank you, Tita!"

Si Manang naman ang sumunod na yumakap sa akin.

"Hija, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay napakaliit mo pa. Masayang-masaya ako na makita ang paglaki mo. Kahit napakarami mong pinagdaanan, nagpakatatag ka pa rin. Mahal na mahal kita, Akisha namin," madamdaming sabi ni Manang na medyo nangingilid pa ang luha kaya nangilid na rin ang luha ko at muling niyakap si Manang.

"OA ever ni Nanay!" pagsingit naman ni Tita Aimee.

Tiningnan siya nang makahulugan ni Mom. Tinaasan lang ng kilay ni Tita Aimee si Mom.

Humiwalay si Manang at nagulat ako nang abutan niya rin ako ng regalo.

"Hala Manang, thank you po!"

Matamis na ngumiti sa akin si Manang habang pinupunasan ang pisngi nito na may luha.

Lumapit naman sa akin si Nicole.

"Hi Aki! I never imagined to be friends with you pero you welcomed me even though I know you once hated me because I stole the love of your life—" sinulyapan niya si Kyle bago ibalik ang tingin sa akin.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon