Chapter 52 - Boundaries

2 0 0
                                    

"Aki, since it's the weekend, gusto mo bang gumala tayo?" tanong ni Nicole habang ang mata ay nakatutok sa cellphone niya.

"Pwede naman! Nand'yan naman si kuya Roberto, pwede tayong magpahatid," sabi ko naman dito habang busy rin sa cellphone.

In-activate na kasi ng mga kaibigan ko ang FB nila kaya naman ina-accept ko ang mga friend request nila kasi inunfriend pala nila ako.

Gumawa ng group chat si Vell. Since dinelete na nila ang mga dati naming group chat. Sa group chat namin ngayon ay kasama na kaming lahat. Hindi lang kaming tatlo nina Vell at Faye. Kasama na rin sina Kyle, Mark, Rey, Kenneth, John, Nicole, at Mina!

Bebeloves GC ❤️

Vellery:
Hi guys!

Krystal Faye:
Anong gc name naman yan Vell?!

Vellery:
Aba bakit ba? Puro naman mga magbebe ang nandito 😘💋

Mark:
Hello mga tao! At hello sa bebeloves ko @Krystal Faye Kenry

Rey:
Hi guys! :))

Krystal Faye:
Bebeloves mo mukha mo @Mark Vicencio

Akisha:
Hello!!!

John:
How are you guys? Hello @Mina Realonda ❤️❤️❤️

Mina:
Hello po! ☺️

Akisha:
Kaya naman pala gumagaling mag English si @John Valeros kasi nagpapasikat 👀😁

John:
Manahimik Akisha 🙂!

Kyle:
Hi love @Akisha Shin Dela Cruz 🥰❤️. Did you eat already? :))

Napabungisngis ako nang mabasa ang huling chat sa gc. Napatingin tuloy sa akin si Nicole bago ako irapan.

Kagat ang pang ibabang labi na nag type ako ng reply kay Kyle.

Akisha:
Yep! Ikaw?

Kyle:
Kumain na rin po :)) Punta ako d'yan mamaya :)) ❤️

Mark:
Aba mga animal na ito! Mag pm kayo, huwag yung dito kayo maglalandian!

Mark:
Hello ulit bebe ko na nagtatampo na naman gustong masuyo @Krystal Faye Kenry ☺️😘❤️🫶

Krystal Faye:
Bwisit! 🤬

Kenneth:
hello, @everyone ❤️

You set the nickname for Nicole Aspre to everyone.

Akisha:
Hello @everyone 😏

"Aki naman!" napatingin ako kay Nicole nang magsalita siya.

Napatawa ako.

"Nagsiseen ka pala! Hindi ko napansin," natatawang sabi ko rito.

Ibinalik ko ang paningin sa gc. Natawa ako nang makitang pinalitan ni Nicole ang nickname niya.

Nicole Aspre set her nickname to
Nics❤️

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon