Chapter 5 - He's Back

68 26 0
                                    

trigger warning: contains sexual harassment and curses

~•~•~•~•~

Napabalik ako sa ulirat. Nag flash back halos lahat ng nakaraan namin ni Kyle. I don't know why he's here infront of us. Did he see me? Oh my G! Hindi pwede! Hindi ako handa!

Atsaka how can I tell my friends about this? Well, hindi ko na pala kailangang magpaliwanag dahil nakikita na nila ngayon! Pero yung about kay Nicole? I haven't tell them the truth yet. Baka mag FO pa kami ng mga friends ko. Well, mababaw namang dahilan yon. But still, I lied.

Kilala ng mga kaibigan ko si Kyle, pero hindi nila kilala si Nicole. Tuwing nagku-kwento ako sa kanila tungkol sa gf ni Kyle, ang sinasabi kong pangalan ni Nicole ay Samantha! You may wonder bakit Samantha? Well, yun yung pangalan ng kontrabida sa nabasa kong pop fiction noon at hanggang ngayon nanggigigil pa rin ako sa character niya. Graduate na ako sa comics.

Si Kyle ang nagda-drive ng SUV at si Nicole naman ang nakaupo sa part na pinagbabaan ng bintana, sa shotgun seat. Napatayo ang mga kaibigan ko at ako lang ang naiwang nakaupo sa bench ng waiting shed kaya medyo nakatago ako. Pero dahil ako ang pinakaunang makikita kanina na nakaupo sa may bench, baka nakita niya ako!

"Hala!" Napasigaw si John

"Ohmy!" Tili naman ni Vell na halatang frustrated

Dahil sa nakita nilang tao sa loob ng SUV ay pinalibutan nila ako. I mean parang itinago. Well, awkward pero mas okay na yun at alam ko na they just want to protect me from my past.

"Oh, its been a long time Faye! By the way, why are you with some sort of trash!?" Maarteng bati ni Nicole sa kaibigan ko!

Nagulat na napatingin ako sa kaibigan ko na lumingon sa akin at halatang kabado.

"H-Hello." Maikling bati ni Faye kay Nicole!

Tiningnan ko siya nang may nagtatakang tingin noong sumulyap ulit siya sa akin. Samantalang si John naman ay todo ang pagtatago sa akin na parang may gustong mang kidnap sa akin. Natatawa na kinakabahan ako dahil sa iniasta niya. Baka mas mapaghalataan kami.

"Hoy pare, bakit tayo tumigil?" Tanong ng pamilyar na boses ng isang lalaki.

"Yeah, why do we stop, Kyle?" Tanong naman ng isa pang lalaki na pamilyar din ang boses.

Mula sa konting butas na hinaharangan ni Kenneth at John na nasa unahan ko ay sumilip ako! Nakita ko ang mga kaibigan ko! O dati kong kaibigan. Many memories ang nagflash back sa aking isipan! Nakababa na rin kasi ang bintana sa passenger seat kaya nakikita ko sila.

"Hala! Si Kenneth!" Sigaw ni Mark!

"Oh, so kaya tayo tumigil?" Bored na tanong ni Rey!

"Why the hell do we stop nga, Kyle?!" Iritang tanong ni Nicole na kanina pang naiinis kay Kyle habang naka cross arms.

"I think, I saw her." Parang sa sarili iyon sinabi ni Kyle, na ikinatindig balahibo ko dahil sa kaba.

Tumingin sa akin ang mga kaibigan ko at inilipat ang tingin kay Kyle. Hindi ko alam kung papaano nila nakilala si Kenneth at kung papaanong nakilala ni Nicole si Faye!

"Sinong 'her' ba pare?" Tanong ni Mark na sumisilip.

"Ang ganda naman noong babaeng yun Rey oh, bagay kayo!" Sabi pa ng madaldal na si Mark. Hindi pa rin siya nagbabago. Pero dati tahimik talaga yan nung una kong makilala umingay nga lang nung magkakaclose na kami.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon