Chapter 44 - Kwentuhan with Shell

8 1 0
                                    

It's Sunday. Ngayon namin naisip ni Shell na magkita. Pero sangkatutak na tanong nina Kyle at tita Aimee ang sumalubong sa akin sa sala nang makababa ako suot ang white long sleeve ko at pants pati ang white converse kong sapatos.

"Tseb, where are you going?" iyan kaagad ang bungad na tanong sa akin ni Kyle pagkababa ko

Nakatayo na ito ngayon na kanina ay nakaupo sa single sofa

"May pupuntahan lang" simpleng sagot ko

Hindi nila pwedeng malaman na nagkikita kami ni Shell. Paniguradong baka grounded ang kalabasan ko nito.

"Sa'n naman ang punta mo, Aki?" tanong naman ni tita na nakaupo sa may sofa

Paano na nga ba ito? Paano ko ito lulusutan?

"Samahan na kita" pag o-offer ni Kyle at lumapit na sa akin

Akmang ilalabas na nito ang susi ng kotse niya pero pinigil ko ito

"Okay lang ako. May nag invite kasi sa akin na kaklase. Birthday niya. Kami-kami lang naman. Tanda mo ba si Shena, yung kagroup ko sa MAPEH? Nasabi ko na ba siya sayo? Birthday niya ngayon" nakangiting pagpapalusot ko

Napatingin ako kay tita na mukhang palihim na sinusuri ako. Pero magaling na akong magpanggap. Ngumiti lang ako kay tita na mukhang ikinagulat nito

"Ano ba naman kayo. Mag t-turn 16 na ako. Kaya ko na ito" nakangiting sabi ko

Bumuntong hininga si Kyle bago hinagod ang buhok nito

"Ihatid na lang kita papunta dun" pagpipilit niya pa rin

"Oo nga, Akisha" pilit din ni tita

Now what should I do? Aha! The reverse psychology trick.

Mas ngumiti ako sa kanila

"Ano ba naman po kayo? Para naman pong may mangyayaring masama sa akin sa iniaasta niyo eh. Bakit? May nagtatangka po ba sa buhay ko at ganyan kayo?" natatawang sabi ko

Natigilan naman sila bago sabay na napabuntong hininga.

"Gusto lang naman kitang ihatid" nakasimangot na sabi ni Kyle

Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil iyon. Bago ako ngumiti sa kanya

"Don't worry. Uuwi naman ako. Itext or tawagan na lang kita. Okay ba yun?" nakangiting tanong ko rito

Mukhang wala na rin siyang magagawa kaya naman napabuntong hininga ito

"Aki, susunduin kita mamaya. Kahit yun lang" sabi nito

Tumango na lang ako. Okay lang naman yun. Magpapasundo na lang ako sa may seven-eleven.

"Okay" nakangiting pagsang-ayon ko

Nang lumingon naman ako kay tita ay ngumiti ito nang pilit.

"Saan ka pala sasakay?" tanong ni tita

"May susundo po sa akin" nakangiting sabi ko

And as if on the cue. Napatingin kami sa may pinto nang makarinig kami ng katok. Nakabukas ang pinto kaya kita namin ang lalaking nakapamulsa ang isang kamay habang ang isang kamay ay kumakatok

"Who is he?" nang mapalingon ako kay Kyle ay nakakunot na ang noo nito at salubong ang makakapal na kilay

"Good morning po" bati ng lalaking kumakatok kanina

Si tita ay pinasadahan ng tingin ang lalaki. Napangiti na lamang ako nang mapansin na medyo napatango si tita. Ganito ang reaksyon niya kapag okay sa kanya ang lalaki o nagwagwapuhan ito dito.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon