Chapter 15 - Video Bomber

37 14 68
                                    

trigger warning: contains kiss scene

~•~•~•~•~•~•

(Vell's POV)

Matapos kong itext si Aki ay binalak ko na matulog pero naimulat ko ang mata ko nang biglang may kumatok sa pintuan

"Anak, sigurado ka ba na ayaw mong pumunta sa mall? Pupunta kami ng dad mo dahil aalis na kami sa bansa next week" narinig kong sabi ni mom sa labas

"Hindi na po. Kayo na lang po muna ni dad ang mag mall. Tinatamad po akong lumabas. Ingat po kayo" nakahiga pa ring sabi ko at matapos noon ay ipinikit ko na muli ang aking mata

Pero kahit sinabi ko na hindi ako sasama ay alam ko na pipilitin pa rin nila ako kaya nagtaklob ako ng kumot nang marinig ko ang pagbukas ng pinto sa kuwarto ko. May pumasok

"Anak, tara na...alam ko na sobrang dami ng isipin mo dahil sa mga nangyari sa 'yo nitong mga nakaraan kaya kailangan mo ring mag pahinga. Don't worry, pinapahanap na namin ng dad mo ang mga may kagagawan ng lahat ng ito. Ngayon ko lamang nalaman na si Mr. Dela Cruz pala ang ama ng kaibigan mo, binabawi ko na ang nasabi ko sa 'yo kanina, anak. Makipagkaibigan ka lang sa kaibigan mong Dela Cruz" alam ko na kung bakit gusto ni mom na makipagkaibigan ako kay Aki. Because of their fucking business.

"Ayaw ko nga po, mommy" sabi ko ngunit hinila ni mom ang kumot ko at pinaupo ako sa kama

"Dali na, ito na lang ang araw na free kami at makakapagbonding ulit tayo" malungkot na sabi ni mom

Totoo naman 'yon. Palagi na lang silang wala sa bahay. Madalas akong maiwan mag-isa kaya nga palagi kong niyayaya sina Faye na samahan akong gumala o 'di kaya naman ay nagv-vlog ako o nanonood ng kdrama. Buti na lang at pasukan na kayo hindi ako masyadong nangungulila sa presensya nina mom. Pero dahil nga sa nangyari, ay pinagpahinga kami ni ms. Cathy na adviser namin, sa pagkakaalam ko ay OIC siya o siya muna ang magsisilbing pinuno sa school habang wala pang principal dahil nga ang principal pala ay ang nakabaril kay Kenneth at siya ring ama nito.

At ito na naman, mangungulila na naman ako sa presensya nila. Napakamot ako sa ulo

"Sige na nga po" napipilitang sabi ko at ngumiti naman nang mapalad si mom

Hinila ako ni mom patayo at nginitian. Lumabas saglit si mom sa kuwarto ko at ako naman ay nagtungo sa walk in closet ko para maghanap ng damit.

Isang white korean knitted off shoulder long sleeve ang pinili kong isuot at ipinartner ko ito sa isang pink skirt

Inilapag ko sa kama ko ang napili kong damit nang bumukas ang pinto at pumasok si mom dala ang isang kahon. Nakangiting ibinigay iyon sa akin ni mom

"What's this, mom?" takang tanong ko at kinuha kay mom ang kahon na kung hindi ako nagkakamali ay isang sapatos?

Nakangiting tumango si mom bilang senyas na maaari ko nang buksan ang kahon. Nang mabuksan ko ang kahon ay tumambad sa akin ang isang pares ng glittery silver cone heel

Napatingin ako kay mom na nakangiti

"Suotin mo 'yan. Noong nakaraan ko pa balak ibigay 'yan sa'yo pero nakalimutan ko" nakangiting sabi ni mom at tumango ako

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon