Chapter 40 - Date

15 1 0
                                    

Sa tingin ko ay gagabihin kami ng uwi. Paano ba naman nagyaya si Kyle na gumala kami dito sa mall sa Manila. Sabi ko sa kanya ay bukas na lang kami dahil pwede naman kaming mag mall kahut sa Cavite kaso pinilit niya ako. Mayroon kasing DIY baking studio sa mall na napuntahan namin at gusto niya raw itry.

May mga steps naman kaya kahit hindi talaga ako marunong ay nakagawa ako. Kahit na ang harot nitong si Kyle. Paano ba ay binibiro niya ako na lalagyan ng icing sa mukha pero syempre hindi ko siya hinayaang gawin iyon. Nakakahiya! Medyo matao pa naman dito and mostly nga kids na ginuguide ng parents nila.

Nang makalabas kami sa baking studio na yun ay doon na siya tumawa. Inikutan ko lang siya ng mata. Habang naglalakad kami ay dala niya ang dalawang kahon ng cake. May hawakan naman at mukhang matibay ang box kaya siya na raw ang hahawak. Ngayon ay patungo kami sa sinehan dahil may gusto raw siyang panoorin

"Ang kulit mo kasi, tumitingin na sa atin yung iba dun" nakasimangot kong sabi

Nakangiti pa rin siya sa akin

"Okay lang 'yan, nakangiti naman sila sa atin kanina" mas lumapad ang ngiti niya na parang inaalala ang tingin ng mga tao kanina

Oo nga tama naman siya. Pero kahit nginingitian kami nung mga nandun, pakiramdam ko pa rin ay jinujudge kami. Eh ewan ko ba.

"Don't think any negative, okay? Ako na lang ang isipin mo. Paano mo mae-enjoy ang date natin kung nakasimangot ka?" tumingin ako sa kanya at tumaas-baba pa ang kilay niya

Hindi ko na lang siya pinatulan

"Hindi ka pa ba napapagod? Nag drive ka ng one and a half hour, tapos lakad tayo nang lakad, nagwindow shopping pa tayo kanina sa kung saan-saang cellphone shop, nag bake pa tayo. Ako ang napapagod sa'yo eh" umiling-iling pa ako

"Kasama naman kita" nakangiti niya lang na sagot

Tinaasan ko ito ng kilay. What was that supposed to mean?

"Akin na nga 'yan" inagaw ko sa kanya ang isang cake at hindi niya agad yun namalayan kaya naagaw ko

"Hoy, ako na" pilit niyang inaagaw pero hindi ko siya hinayaan

Bumuntong hininga na lang siya. Mabuti naman at hindi na siya nagpumilit-

Nagulat ako nang maramdamang hinawakan niya ang kamay ko.

"Thank you sa idea" kinindatan niya pa ako

Anong idea?! Hindi ko naman kinuha ang box ng cake para makipag holding hands sa kanya!

Mahigpit ang pagkakahawak ng kamay niya sa akin dahil hindi ko pinag intertwine ang daliri namin. Nang lingunin ko siya ay nakasimangot siyang tumitingin sa kamay namin. Sa huli ay pinag intertwine ko na lang din para naman sumaya siya sa kung ano mang gusto niya. Alam ko rin naman sa sarili ko na gusto ko rin.

At doon muling sumilay ang malapad niyang ngiti

Nang makarating kami sa sinehan ay doon ako bumaling sa kanya at sumimangot

"Oh, anong tingin 'yan?" takang tanong niya

"Eh saan natin ilalagay ang cake? Bawal ang pagkain sa loob. Baka pati matunaw ang icing" lukot ang mukhang sabi ko at mukhang doon niya lang din narealize

Napatawa tuloy siya

"Ipahabilin na lang muna ulit natin doon" natatawang sabi nito

"Ha? Bawal yata" sabi ko

"Akong bahala" kumindat na naman siya sa akin!

Kinuha niya sa akin ang cake

"Sama ka?" tanong niya na akmang babalik sa pinuntahan namin kanina

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon