Special Chapter - Kyle Hernandez

14 0 0
                                    

*trigger warning: mentioned of alcohol, contains curses and kiss scenes*

(Kyle's POV)

~Flashback when Aki left~

"Bro, tama na. Kanina ka pang umiinom. Lasing ka na," naiiling na pagpigil sa akin ni Kuya Kenneth pero hinawi ko lang siya at lumaklak sa bote ng alak na hawak ko.

"Isusumbong kita kay Aki! Kapag nalaman niya na gan'yan ka, lagot ka do'n!" Pinipigilan na rin ako ni Mark.

"Aki?! Where's my love?! I heard her name!"

Namumungay akong tumayo ngunit muntik na akong matumba dahil sa hilo. Mabuti na lamang at nakahawak ako sa kanina kong kinauupuan.

Inilinga ko ang paningin kahit nahihilo. Puro lamang maiingay na tugtog at nakakahilong ilaw ang nakikita ko!

"Where the fuck is my Aki?!"

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha ko. I miss my Aki so much! Hindi ko siya nahanap! I'm so fucking useless!

"Kyle, may exam ka pa bukas."

Narinig kong may ipinaalala si Rey pero si Aki lang ang gusto kong mahanap!

Sinubukan nila akong hawakan pero tinabig ko ang kamay nila at kaagad na lumayo. Narinig ko pang tinawag nila ang pangalan ko pero dahil sa hilo ay nagdire-diretso ako sa paglalakad.

"Aki!"

"Tseb!"

"Love!"

"Please, come back!"

"I miss you so fucking much!"

Patuloy ako sa pagsigaw at sa paghahanap kay Aki pero puro maiingay na boses lamang ang narinig ko na parang mga lasing!

"Hi! What are you doing here at the club, you handsome man? You're Kyle Hernandez, right? We're in the same class!"

Ano raw?! Nasa club ba si Aki?! Bakit nandito ako kung wala naman pala dito ang love ko?!

Kaagad kong hinanap ang exit pero nahihilo ako.

Naramdaman kong may humawak sa braso ko na kaagad ko namang iwinasiwas para matanggal. Naramdaman kong may natumba na tao yata iyon pero wala akong pakialam! Gusto ko nang makita ang Aki ko!

"A-Ouch! K-Kyle, help me!"

Sino ba ang kanina pang matinis na boses na 'yon?! Hindi naman siya kaboses ni Aki, so sino siya para pagtuunan ng pansin?!

"Bro!"

Narinig kong tawag ni Kuya Kenneth. Nakita na nila ako.

Kailangan kong magtago para hindi nila ako makuha at para mahanap ko pa si Aki ko!

Nang pumunta ako sa may kaliwa ay may sumunod sa akin at humawak naman sa kamay ko.

"Ano ba!" Inis na bulyaw ko doon.

Nahihilo na nga ako, may epal pa! Malabo ang mata ko dahil hindi ako naka-contact lens at idagdag pang nagdadalawa na ang tingin ko dahil sa hilo.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon