Chapter 45 - Trust

8 1 0
                                    

Nang makapagpark si Kyle sa garahe namin ay walang salitang lumabas na ako sa sasakyan. Hindi ko na siya nahintay na pagbuksan ako ng pinto. 

Ito na naman ang biglaan kong pagbabago ng mood. Hindi ko talaga maiwasan. Kanina, kilig na kilig pa ako sa mga balita ni Shell at sa kaalaman na may feelings sa akin si Kyle, pero dahil sa huli naming pag uusap ni Kyle tungkol kay Asher, kung may nasabi ba ito sa akin, ay nagbago ang mood ko.

Nauna na rin akong maglakad. Narinig ko pang tinawag niya ang pangalan ko pero medyo sumasakit ang ulo ko sa ilang araw na pag iisip ng mga plano. Lalo at nalaman ko ang balita tungkol sa mga kaibigan ko. 

Napahinto lamang ako sa paglalakad nang hindi ko namalayan na nasa tabi ko na si Kyle na nakahawak sa braso ko.

"Aki, may problema ba?" kitang kita ang pagkabalisa sa maganda niyang mata na walang suot na salamin, ngayon ko lamang napansin dahil sa pagkatulala sa mga nalaman kanina.

Tiningnan ko si Kyle nang diretso sa mata, bago ko siya ngitian.

"Huwag kang mag alala, okay lang ako. Medyo sumama lang ang pakiramdam ko, baka dahil maraming tao sa birthday ni Sheena kanina," pagdadahilan ko

Mukha namang nakahinga siya nang maluwag kaya nagpatuloy ulit kaming maglakad papasok sa mansyon. Naabutan namin si tita Aimee na nakaupo sa mahabang sofa habang seryosong nakatutok sa cellphone niya.

"Tita" panimulang bati ni Kyle

Hindi ko alam pero bigla akong nawalan ng ganang magsalita o kumilos. Nagpapaulit-ulit kasi sa isip ko ang mga ikinuwento ni Shell kanina. Nanghihina ako habang unti-unti kong narerealize na baka hindi umubra ang plano.

Kaagad na itinago ni tita Aimee ang cellphone niya sa bulsa ng kaniyang pants bago kami nginitian ni Kyle.

"Nand'yan na pala kayo, gutom ba kayo?" nakangiting tanong ni tita at tumayo

"Busog pa po ako, marami naman po akong nakain do'n" tukoy ko sa "birthday-an" na ginawa kong excuse sa kanila, maliit pa akong ngumiti 

Napatango naman si tita. Habang ramdam kong nakatitig sa akin si Kyle. Marahil ay nalilito kung bakit mukhang wala ako sa sarili ngayon.

Akmang magsasalita si Kyle nang mauna ako.

"Akyat po muna ako" yumuko ako sa kanila at hindi na naghintay ng salita mula sa kanila

Tumaas na agad ako at pumasok sa kwarto ko. Isinarado ko kaagad ang pinto. Napabuntong hininga ako. 

Naupo ako sa gilid ng kama ko. Inilabas ko ang cellphone ko at kaagad na tinawagan ang isang taong alam kong makakatulong sa akin ngayon.

["Hello?] 

"Good afternoon po"

["Oh Akisha hija, bakit ka napatawag?"]

"Mr. Vicencio, kasi po..." 

Sinabi ko ang mga iniisip ko. Tinanong ko siya sa pwede niyang suggestion sa mga naiisip kong plano. 

["Sa tingin ko, mukhang mahihirapan kang gawin 'yan. Mukhang delikado rin kung basta ka na lang pupunta sa mga kaibigan mo lalo na't hindi mo pa lubos alam ang pinaplano ng pamilya mo"] 

"Pero po... Hindi ko na rin po alam ang gagawin. Gusto ko po talaga na puntahan sila kahit patago para lang din baka may makuha akong impormasyon kung bakit ganito ang plinano nila. Kung ano ba talaga ang balak nila. Ano ang totoong nangyayari..." 

["Pero hija, mapanganib din sa'yo at hindi sa sinasabi kong sumabay ka na lang sa kung anong plano nila gayong hindi mo naman alam ang totoong plano. Pero ang sinasabi mo na pagiging spy sa mga kaibigan mo gayundin sa pamilya mo ay hindi ko masasabing magandang ideya"]

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon