Chapter 22 - Overthink

39 6 132
                                    

*trigger warning: violence, and curses*

(Kyle's POV)

Nang makalapit na ako sa sala ay nakita ko si Mark at John na sumasayaw. Nagulat ako pero biglang sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina.

She confessed her feelings to me.

Paano na?

Ano na'ng gagawin ko?

I already have a girlfriend. Pero hindi ko kayang mawala sa akin si Aki matapos kong malaman na may naramdaman siya sa akin, na higit pa sa pagkakaibigan.

Alam ko sa sarili ko kung sino ang pipiliin ko. Pero ayaw kong masaktan 'yong isa. Hindi ko naman maipagkakaila na nagkaroon din ako ng nararamdaman d'on sa isa. Siguro pagkagusto, pero hindi pagmamahal na tulad ng nararamdaman ko sa taong gusto kong piliin.

"Woy!" biglang nagsalita si Mark na nakalapit na pala sa akin dahilan para mapabalik ako sa ulirat

"What?" takang tanong ko

"Anong what? Bakit ka tulala?" may tonong nambibintang na tanong niya sa akin

"Wala" sabi ko na lamang at napailing

Lumapit sa amin sina Rey,Vell, at Faye

"Did you talk to Aki na?" tanong ni Vell habang nakatingin sa akin

Dahil doon ay napabuntong hininga ako. Oo, kaya nga lang napaiyak ko ang tunay kong prinsesa

"Yeah" sagot ko na lang at tumango sa kanila

"Anong pinag usapan niyo, ha?! Sinaktan mo na naman ba siya ha?! Ikaw talaga! Kapag nalaman ko lang na sinaktan mo na naman si Aki malilintikan ka sa akin-" biglang nagsalita si Faye pero tinakpan ni Mark ang bibig niya

Handa akong tanggapin lahat ng parusa na gusto nilang ibigay sa akin. Because I know that I hurt Aki. Ayaw ko naman din siyang makita na nasasaktan. Kaya nga kahit alam kong masasaktan siya ay nilet go ko ang friendship namin para hindi siya masaktan kapag nalaman niya na may masamang balak ang pamilya ko na sobrang lapit sa pamilya niya. Hindi ko pinili si Aki dahil nagdadalawang isip ako noon kung ano ang pipiliin ko dahil baka kapag pinili ko si Aki ay may mangyaring masama sa amin.

Kung hindi kasi nag offer ang mga Aspre na maging member kami ng AMP at maging trabahador ng Pandeir ay paniguradong wala kaming maipambabayad sa mga utang namin. Lumaki kasi ang utang ng company ni dad dahil na scam kami ng karamihan sa pinagbilhan ni dad ng mga panghabi na gagamitin sa mga damit, hindi sinipot si dad ng katransaction niya at nakapagbayad na ng malaki ang bumili ng damit na hindi magagawa dahil walang tela. Mamahaling tela kasi ang nirequest noong bumili, sobrang dami pa at nagbayad kaagad. Eh nagamit agad sa company ang pera pero hindi alam ni dad na mas-scam pala siya ng binilhan niya ng panghabi.

May mga iba pang utang si dad dahil hindi kumpleto ang naibabawas na tax kay dad at hindi nabayaran noong mga panahong iyon

Dahil sa mga utang ay ipinagbili ni dad ang company at ang Aspre ang nakabili nito. Kulang pa rin ang kompanya sa pagbabayad ng mga tax at utang. Salamat sa mga Aspre dahil nag offer sila na makipagnegotiate kay dad, pero ibang klase ng negotiation pala iyon. At iyon na nga ang simula ng AMP.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon