Chapter 51 - Happiness

1 0 0
                                    

Nahihiya man ay talaga ngang nagpaturo si Kyle kay John na makakuha sa claw machine.

Ako muna ang naghawak sa binili naming mocha cake.

Ito namang si John, proud na proud pa kapag medyo naiiangat ng pangkuha ang kinukuhang plushie ni Kyle. Ginawa niya na talagang tatay si Kyle!

"Galing mo, Dad! Malapit na oh!" masayang sabi ni John at itinuro pa ang plushie na kinukuha ngayon ni Kyle.

Seryosong-seryoso naman si Kyle sa paglalaro kaya pasimple ko siyang kinuhanan ng litrato.

Mahina akong napabungisngis dahil doon.

"Omg! Ang galing!" napatili ako nang may makuha si Kyle!

Napapalakpak kami ni John!

Kaagad namang lumapit sa akin si Kyle at ibinigay ang plushie na nakuha niya. Kinuha niya sa akin ang box ng cake na bitbit ko. Napangiti ako nang malawak dahil doon. Proud na nakangisi sa akin si Kyle kaya napisil ko ang pisngi niya! Mukhang nabigla si Kyle dahil bahagyang natigilan siya. Pero napangiti rin naman.

"Galing mo dad! Mana ka talaga sa akin!" paglapit ni John at umakbay pa kay Kyle.

"Tss. You only guided mo kung malapit ko nang makuha. You didn't even tell me some tricks, so it's all my work," mayabang na sabi ni Kyle.

Hindi naman makapaniwala si John sa narinig.

"Hala siya? Beri angreytpul!" napapailing na sabi ni John.

Nginisian lang siya ni Kyle. Tinanggal pa ni Kyle ang pagkakaakbay sa kaniya ni John. Matapos niyon ay lumapit siya sa akin at ako ang inakbayan. Madramang napahawak sa puso si John habang pabalik-balik ang tingin sa akin ni Kyle.

"Wats da mining op dis?! Itinatakwil mo na ba ako, Dad?! Matapos ng mga sakripisyong ginawa ko para sa'yo!" kunwari pa'y mangiyak-ngiyak ito.

Pabirong tinadyakan ko si John sa paa dahil sa drama niya.

"Ang drama mo! Baka hindi ka matagalan ni Mina niyan!" pambibiro ko rito.

Dahil doon ay napaseryoso siyang bigla.

"What do you mean by that, Miss?" Napatawa ako dahil sa bilis ng pagbabago niya.

"Wala! Tara, tingnan natin kung nasa'n 'yong iba!" Anyaya ko sa kanila.

Tinanguan na lang nila akong dalawa.

Nahanap namin sina Faye at Mark na naglalaro ng baril-barilan.

"Oh mas madami ang napatay ko kaysa sa'yo!" binelatan pa ni Faye si Mark habang nagyayabang.

"Tingnan lang natin," nakangiting sabi naman ni Mark.

Nagyayabangan pa nga ang dalawa.

"D'yan muna kayo! Maglalaro muna ako ng driving!" paalam sa amin ni John at umalis na siya.

"Nasa'n kaya sina Vell?" takang tanong ko.

"I think I saw them playing claw machine too earlier," saad ni Kyle kaya napalingon ako sa pinanggalingan namin kanina.

Hindi ko sila nakita. Pero napansin ko na naroon sina Shell at Asher. Napapakamot pa sa noo si Asher dahil mukhang gustong-gustong makuha ni Shell 'yong plushie. I smiled because of what I saw.

"Why are you looking and smiling at that Asher?" Napabaling ang tingin ko kay Kyle nang magsalita siya.

Nakasimangot siya ngayon at nakahalukipkip sa akin.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon