Chapter 56 - Island

3 0 0
                                    

Matapos naming kumain ay excited kaming pumunta sa labas malapit sa may dalampasigan.

"Pwede tayong mag swimming?" tanong sa akin ni Nicole.

Nakangiti ko siyang tinanguan.

Narinig ng iba ang usapan namin kaya nagsigawan sila sa tuwa!

"Magpalit na tayo, dali!" excited na sabi ni Faye.

Nagmadali sina Nicole, Faye, at Vell na pumasok muli sa hotel para makapagpalit. Naiwan kami ni Mina kasama ang mga lalaki.

"Magpapalit ka pa, Mina?" maingat kong tanong sa kaniya.

"H-hindi ko alam. Wala akong nadalang rashguard," nahihiya nitong sagot.

"Mayroon ako, ikaw na lang ang gumamit," nakangiti kong alok sa kaniya.

"H-huh? Hindi na okay lang-" pagtanggi niya pero hinawakan ko na ang kamay niya at hinila papasok sa hotel.

Iniwan namin ang mga boys na tigalgal lang sa amin.

Same floor lang kaming magkakaibigan. Bukas ang mga pinto ng kwarto ng tatlo kaya nakita ko silang halos magulo na ang mga damit sa kani-kanilang maleta para mahanap ang susuotin.

Pumasok na ako sa kwarto kasama si Mina. Nagtungo ako sa maleta ko. Nag iisa ang rashguard na iyon, pero mukhang hindi siya magiging komportable sa suot niya na jogger pants at fitted shirt.

Kaagad kong hinanap ang rashguard ko. Ibinigay ko iyon kay Mina nang mailabas ko sa maleta.

"P-paano ka?" nahihiya pa ring tanong ni Mina.

"Okay lang. May shorts at fitted long sleeve naman ako, para na ring rashguard," nakangiti kong sabi rito.

"Hep hep! Sinong nagsabi na naka rashguard kayo?!"

Naiwan ko nga palang bukas ang pinto kaya nakapasok ang tatlo na mukhang napansin na nandito kami.

"Eh ano bang suot niyo?" takang tanong ko kay Faye.

Nakangisi nilang itinaas ang bikini na susuotin nila!

Napanganga kami ni Mina.

"O-Okay na kami rito!" halos sabay naming sabi ni Mina.

Nakangisi pa rin sila nang hilahi nila kami ni Mina papunta sa kwarto ni Vell. Isinarado nila ang pinto ng kwarto. Ang dami ngang dala ni Vell! 3 maleta para sa 2 nights!

Napanganga ako lalo nang makita ang mga bikini! Akala ko ba hindi siya handa?!

"Ang tagal naman ng mga 'yon!" inis na sambit ni Mark.

"Miss ko na si Aki," nakapout na saad naman ni Kyle.

"Apakatagal! Baka kinain na sila ng kwarto!" inip na sabi ni John.

"Ilang minuto na ba sila do'n?" tanong naman ni Rey.

"Almost an hour," sagot naman ni Kenneth.

Napalunok ako.

Paano kami lalabas nang ganito ang itsura?! Nakarobe pa kami pero malalaman na agad na naka bikini kami dahil above the knee ang robe!

Napatingin ako kay Mina na namumula ang mukha.

Si Vell, Faye, at Nicole naman ay mukhang mga sanay na.

Umuna nang mag lakad palabas ang dalawa. Ang mga nakatatanda ay tambay sa private yacht kaya kami lang ang naririto sa may dalampasigan.

Sumunod na lang din kami ni Mina. Sabay pa kaming napabuntong hininga.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon