Chapter 53 - Family

3 0 0
                                    

"Kyle," pagtawag ko rito dahil ayaw niya pa ring umalis sa pagkakayakap.

Napabuntong hininga ako.

Tumingin na lang ako sa mga kasama ko.

"Ngiti ka pa ha!" nakacross arms na sabi ni Faye.

"Sorry na. Ayaw ko lang na magmukhang masungit dahil hindi naman ako gano'n," naglalambing na sabi ni Mark at nagpuppy eyes pa.

"Hmph!" Inirapan ni Faye si Mark pero bumigay rin naman nang yakapin siya nito.

"I'm sorry," wala pa mang sinasabi si Vell ay nag sorry na agad si Rey.

Bakas sa mukha ni Vell ang pagkayamot.

"Bakit kasi pinanganak kang gwapo, Stevan?" Malungkot na tanong ni Vell.

Kaagad namang ginulo ni Rey ang buhok ni Vell. "Para bagay tayo." Ngumuso lang si Vell dahil sa sinabi ni Rey.

"That Shaina never learned her lesson," napapailing na sabi naman ni Kenneth.

"We bumped into her earlier," sagot naman ni Nicole.

Napadako tuloy sa kaniya ang tingin ni Kenneth.

"Did she hurt you?! O-or Aki?" Nag-aalalang tanong ni Kenneth.

Umiling naman si Nicole kaya nakahinga nang maluwag si Kenneth.

Gumalaw naman si Kyle at itinaas ang paningin niya.

"Did I just hear my woman's name? Anong ginawa sa'yo ni Shaina?" Nag-aalalang tanong ni Kyle pero nakayakap pa rin sa akin.

Umiling lang ako.

"Wala naman. As usual she just annoyed us pero wala naman siyang nagawa," kibit-balikat kong sabi.

Muli niyang isinubsob ang mukha niya sa leeg ko bago nakahinga ng maluwag.

"Thank God," mahinang saad ni Kyle.

Tinapik ko ang braso niyang mahigpit ang pagkakayakap sa akin.

"Hindi na ako makahinga, Kyle. Tama na ang yakap," pag-awat ko rito.

Bumuntong hininga siya bilang pagsuko bago ako pakawalan.

"So sa'n na tayo n'yan?" Tanong ko sa mga ito.

Napaisip naman ang mga ito.

"Road trip?" Suggestion ni Kyle.

"Pano 'yon? Iba't iba ang dala nating sasakyan?" Takang tanong ni Mark.

"Gusto niyo bang tawagan ko si Kuya Roberto? Baka pwede niyang dalhin 'yong van namin?" Nagningning naman ang mata nila sa sinabi ko.

Tumango naman sila kaya kaagad kong tinawag si Kuya Roberto. Tinanong ko kung okay lang ba talaga sa kaniya na ipagdrive kami at um-oo naman si kuya Roberto.

Ilang sandali lang ay may pumarada ng van malapit sa amin. Bumaba Mula roon si Kuya Roberto at pinapasok na kami sa loob.

"Dito niyo na lang din po kami ibaba mamaya, nandito po ang sasakyan namin," magalang na sabi ni Rey kaya tumango si Kuya Roberto

May naisip ako.

"What if bisitahin natin si John? May nakakaalam ba sa inyo kung nasaan siya?" Napatingin sila sa akin nang makaupo na kaming lahat.

"Bakit muna bibisitahin?" Nakasimangot na sabi ni Kyle sa tabi ko.

"It would be fun kapag kumpleto tayo! Atsaka kina Mina pala! Try nating ipagpaalam siya! Baka kapag nando'n na tayo, payagan siya!" Masayang suggestion ko.

He Must Be My Old FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon