Fifty: The Promise

2.2K 83 1
                                    

"Eto, kwek-kwek? You want?" ang sabi ko kay Louie.

Nasa Baguio Night Market kami. I brought him here para makapag-food trip.

Babalik na kasi kaming China bukas. I wanted him to experience the place I grew up with like a local.

"Hindi ka pa nakatikim nitong kwek kwek, ano?" I asked him nung 'di ito sumagot.

"I know what kwek-kwek is," anito.

"Pero hindi ka pa nakakain nito?

"I did."

"Weee?"

"I'm good with this shawarma rice, though," anito.

"Dalawang kwek-kwek nga po, manang," I said to the vendor.

Tumawa lang si Louie. "But I'm too full already."

"Anong full-full? Mag-bulalo noodle soup pa nga tayo, eh," sabi ko.

"Gosh, I'm so full," anito pagkuwan noong matapos na kaming mag-food trip.

Nagso-stroll na lang kami para matunawan.

"Grabe, nakaka-miss dito, sobra," sabi ko.

"Lagi ka siguro dito dati, ano?"

"Hmmmm, medyo. Kapag nakakatakas sa lola."

"Nakipag-date ka ba dito dati?"

"Hmmm. Yes?"

He abruptly stopped walking to look at me. No, he basically glared at me.

"What?" ang natatawa kong tanong nito.

He reached out for my nose and pinched it.

"Aray! Masakit yun, ah!" I cried.

He put his arm around my shoulder, pulled me closer, and planted a quick kiss on my forehead.

Kinilig naman ako.

Pero bigla din akong nalungkot. Babalik na kasi kami sa China bukas. Baka bumalik na naman ulit kami sa dati.

Kung pwede lang talaga, 'wag na kaming bumalik ng China. Dito na lang kami sa Pinas at magmahalan. Chos.

"Wait," anito bago inilabas ang phone mula sa bulsa nito. "It's James. Excuse me."

Kumalas ito mula sa pagkaka-akbay sa akin at umusog ng konti para kausapin si James.

Medyo maingay sa kinatatayuan namin kaya naglakad ito ng konti para lumayo.

Medyo matagal ang pag-uusap ng mga ito. Na-bored ako at nagpalinga-linga. I saw some souvenir items from afar.

Nilingon ko si Louie, busy pa naman ito sa pakikipag-usap sa phone kaya naisipan kong bumili na muna ng pwedeng pampasalubong kina Mei at James.

I went to the souvenir stalls at medyo na-overwhelm sa dami ng options. I went from one stall to another. Nawili ako sa pamimili kaya hindi ko namalayang napapalayo na pala ako.

I looked at Louie and realized that he wasn't there anymore. Wala na ito doon sa kinatatayuan nito kanina.

Dali-dali akong bumalik doon para hanapin ito pero hindi ko ito makita. I checked my pocket for my phone only to realized na iniwan ko pala ito sa kotse.

Bumalik ako dun sa kung saan nakapark yung kotseng dala namin pero wala din si Louie doon. Hindi ko rin makuha ang phone ko dahil naka-lock yung kotse.

I went back to the night market to look for him but I just couldn't find him.

The Billionaire's Contract Wife  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon