Thirty-Three: Falling Deeper

2.1K 71 3
                                    

"Excuse me." 

I turned around and saw a familiar face standing right behind me. Inisip ko saglit kung saan ko siya nakita before.

"I'm… I'm Yi Chen's girlfriend," ang pagpapakilala nito.

Napalatak ako. 

"Oh, yeah. I remember you," ang sabi ko dito. "You're Candice, right?"

Tumango ito.

Of course I remember her from the photo Yi Chen showed me. 

"How is he?" sabi ko. 

Nasa labas kami ng room. Kakagising ko lang. Lalabas sana ako para hanapin si Louie.

"He's good. He's still in the hospital but he's stable now. And that's all because of you," anito. "I couldn't thank you enough for saving him."

Mukhang mangiyak-ngiyak na ito.

"I'm glad that he's okay now," ang sabi ko. "Filipina ka din, 'di ba?"

Muli itong tumango.

"Nakwento nga sa akin ni Yi Chen," sabi ko. 

"Naikwento nga din po niya kayo sa akin. Excited pa siyang sabihin sa aking Filipino din daw ang asawa ni Mr. del Rosario," ani Candice.

"If you don't mind me asking, what happened?" sabi ko.

I was shocked when she started crying. As in bigla na lang itong humagulgol ng iyak.

"Sorry po, sorry po. Ang bigat bigat lang po kasi talaga sa dibdib," anito habang humahagulgol pa din.

Agad ko itong nilapitan at saka hinaplos sa may bandang likuran.

"No, that's okay. You want to talk about it?"

"Sorry po, wala lang po talaga akong ibang mapagsabihan," ang patuloy na iyak nito.

"That's alright. You can share it with me. Halika, pasok ka muna sa loob. I'm all alone right now." Iginiya ko itong papasok sa loob ng kwarto.

I had her sit down on the couch while I got her a glass of water.

"It was an attempted suicide," ang pag-amin ni Candice. "He… h-he left a note for me." She looked more composed now pero panaka-naka pa ring tumutulo ang gabutil nitong mga luha.

"Why?" I asked. "I mean.. if you don't mind me asking. He seems to be a… a happy person."

"Iyon din talaga ng hindi ko maintindihan," ani Candice. "He would always act tough and happy and that everything is alright. But deep inside, he was going through so much."

"I don't get it," she continued. "We've been dating for almost two years now pero hindi pa rin niya makuhang mag-open up sa akin. Sinasarili niya lahat. How can I help him kung ayaw niyang maging honest sa akin? It was really frustrating. Pakiramdam ko'y napakawalang kwenta kong girlfriend." 

At nagsimula na naman itong humagulgol. I could see so much frustrations in her. 

I grabbed her hand to comfort her. 

"Bakit ang hirap hirap niyang basahin?" anito. "Kung meron lang talagang gadget na pwede mong ilagay sa isang tao para malaman ang tunay na nararamdaman nito, I’ll surely put one on him. Para hindi ko na kailangang manghula kung ano talaga ang tunay na nararamdaman niya.”

Halos twenty minutes nang nakaalis ng room si Candice pero nanatili akong nakatulala sa kawalan. Lumilipad ang utak ko.

What he said hit me hard. That's because Yi Chen reminded me so much of Louie. 

The Billionaire's Contract Wife  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon