Forty-Five: Stepping Into His World

2.1K 61 2
                                    

"Will you be okay?" Louie asked me.

Inihatid nya ako sa kotseng maghahatid sa akin pabalik sa hotel.

"Oo naman. Don't worry about me," I assured him.

Hindi ako nito masasamahan pauwi, hinahanap daw ito ng lola nito. He's going straight to the hospital. Baka doon na ito magpalipas ng gabi.

"I'm sorry," he said.

"Why are you saying sorry? It's okay," sabi ko.

He reached out for my face.

"You have to call me once you get there, okay?" anito habang nakahawak sa isa kong pisngi.

I nodded. "Basta ba 'di ka deadbatt," I joked.

"Don't worry. Fully-charged." Tinapik nito ang bulsa kung saan naroroon ang cellphone nito.

I smiled at him. "Sige na. Naghihintay na sa'yo lola mo."

He lightly caressed my cheek with his thumb before he lowered himself to kiss me on the lips.

The kiss was short and sweet but it still left me breathless, nonetheless.

"Ingat kayo," anito bago bumaling sa driver. "Please drive safely po, Manong Jun."

"Yes po, Sir Louie."

Louie squeezed my hand one more time before he stepped out of the car, slamming the door close behind him.

I waved at him through the window. He made a "call me" hand sign before we drove away.

Three hours later, nakaligo na ako't lahat pero ayaw pa rin akong dalawin ng antok.

Nakausap ko na si Louie kanina. The first thing I did when I reached our hotel room was to call him.

Mabilis lang ang naging pag-uusap namin. He just made sure that I arrived safe.

Kanina pa ako pabaling-baling sa higaan. Everytime I close my eyes, scenes from earlier would start replaying in my mind. Nakakaloka.

"Arghh! Why the hell did you do that, Aera?"

Oo, nababaliw na yata ako. Kinakausap ko na sarili ko.

Ano ba kasing pumasok sa kokote ko't bigla ko na lang hinalikan si Louie kanina?

Nakakahiya, grabe! Lalo na kapag naaalala ko yung mukha ni Francine noong madatnan kami nito sa ganung tagpo. Parang gusto ko na lang magpalamon ng buhay sa lupa.

Pero bakit ganun? Parang 'di ko naman talaga pinagsisihan ang nangyari?

"Gagi, ang landi mo, girl! Nakakahiya ka," ang natatawa kong pagalit sa aking sarili.

Honestly, I still have so many questions right now pero ayoko na munang mag-isip. Basta masaya ako ngayon at iyon ang mahalaga.

Saka na ako mag-iisip. 'Wag muna ngayon. Namnamin ko muna ang sayang nararamdaman ko sa ngayon.

Bahala na.

Then I suddenly remembered something.

I grabbed my phone from my bedside table and started searching for something.

Ngunit inabot na ako ng halos isang oras kaka-search sa Google, wala akong mahanap. I couldn't find anything about Louie and Ethan.

Bakit ganun? There were hundreds, prolly thousands, of write ups about Louie and his family online. And even his friends.

Pero ni isang article about Ethan ay wala akong mahanap.

Maybe he was just a very private person, saisip ko.

The Billionaire's Contract Wife  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon