Twenty-One: Workaholic and Boring

2.5K 71 1
                                    

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan ng aking kwarto at saka sumilip sa labas.

Shucks, Louie's still there! He was working right outside my room!

Dali-dali ko itong sinara muli.

Sa laki ng villa, bakit kailangan pa nitong doon pumwesto? Plus he normally worked inside his room. Anong pumasok sa kokote nito ngayon at doon nito naisipang pumwesto?

Is he keeping an eye on me?

I suddenly heard my tummy growl. Napatingin ako sa suot kong relo, it's past 12 in the afternoon already.

Gosh, I'm so hungry. Wala pa naman akong matinong dinner kagabi ta's 'di rin ako nakapag-breakfast.

But I really don't want to leave the room right now. Ayokong makausap ni makaharap man lang si Louie. Nakakahiya.

Maalala ko lang ang mga pinagsasabi ko kagabi, parang gusto ko nang magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan.

Yes, I remember what happened last night. I remember every single detail. Naaalala ko lahat ng nakakahiyang sinabi ko.

Ayan kasi, ang lakas ng loob mong uminom eh 'di ka nga sanay, ang lihim kong pagalit sa sarili ko.

Muli kong sinilip ang pintuan. He was still there!

Dahan-dahan akong naglakad pabalik ng kama at saka patihayang ibinagsak ang sarili dun.

'Di bale nang mamatay ako sa gutom, 'wag ko lang makaharap si Louie.

Itutulog ko na lang siguro 'to.

But the moment I closed my eyes, I heard some loud knocking from outside the door.

Napabalikwas ako ng bangon. I listen to the constant knocking on my door until it stopped.

Who could that be? Was it him?

Of course! Who else could it be?

Hindi ako gumalaw. Ni sarili kong paghinga parang gusto ko nang pigilan.

I flinched when I heard the knocking again. And this time, mukhang wala na itong balak tumigil.

I had no choice but to stand up.

Mabigat ang mga paang naglakad ako palapit sa may pintuan. Dahan-dahan ko itong binuksan.

And there I saw Louie standing right outside my door.

"Y-yes?" I asked. I felt awkward.

"Just making sure that you're still alive," ang walang kangiti-ngiti nitong wika.

"Apparently, I am. Thanks for checking."

I was about to close the door on his face but he was quick enough to hold it open.

"Come out. The food's waiting," anito.

"I'm not hungry," I lied.

"I am. Come out," ang puno ng awtoridad na wika nito bago niluwagan ang pagkakabukas ng pintuan.

I had no choice but to come out.

He brought me outside. May nakahandang pagkain sa may pool area. Pancakes, coffee, juice, fried eggs, bread, and fruits.

"Pang-breakfast to, ah," sabi ko.

"It should have been if you only came out earlier," anito.

"Were you waiting for me?"

Hindi ito sumagot.

Nakonsensya naman ako ng konti. Mukhang hindi rin ito nakapag-breakfast dahil sa kakahintay sa akin.

The Billionaire's Contract Wife  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon