Twenty-Eight: Definitely Worth It

2.3K 72 3
                                    

“So? Where do you want to go now?” Louie asked me. 

“No, please. Ayoko na. Sakit na ng paa ko,” sabi ko sabay talungko sa gilid ng kalsada. 

Nasa Tiananmen Square kami.

Actually, buong araw yata kaming nagpalakad-lakad. We went to The Palace Museum & The Forbidden City. Ta's nagpunta din kaming Beihai Park at The Great Wall of China. Pakiramdam ko’y namamanhid na ang mga binti ko sa sobrang pagod.

Malakas itong natawa. “Para ‘yon lang, pagod ka na? Akala ko ba gusto mong mamasyal at bored na bored ka na sa bahay, ha?” He was obviously teasing me.

“'Yong totoo? Ipinapasyal mo ba ako o pinaparusahan? Galit ka ba sa akin dahil nakapag-day off ka sa work nang wala sa oras?" I confronted him.

Muli itong natawa nang malakas. “You’re crazy. Tumayo ka na nga dyan, ma-picturan ka pa ng mga paparazzi."

Agad akong tumayo at saka nagpalinga-linga sa paligid. 

“Is someone following us?”

“Well, we never know." He shrugged his shoulders. “Wanna grab something to eat?” 

“Arghhh, buti pa nga. Kanina pa ako nagugutom. Parang lahat yata ng kinain ko kanina, natunaw na kakalakad natin." Kanina pa actually kumukulo ang tiyan ko sa gutom.

“Alright. Let’s go,” anito.

“Wait. Where did you park the car?”

“Over there.” He pointed somewhere. 

“Ay, teka lang. ‘Di ba ang layo pa nung pinagparkingan natin?”

“Uhm, medyo. Why?"

“Parang ‘di ko na yata kayang maglakad nang ganun kalayo. Namamanhid na mga binti ko. Parang anumang minuto, pupulikatin na ako,” ang sabi ko. 

“You want me to carry you?”

Napabaling ako dito. “What?”

“I can carry you if you want.” He looked serious. 

"No, of course not! Kaya ko namang maglakad mag-isa," ang mabilis kong sagot dito.

I walked ahead of him. 

Pero dahil hindi ko magawang maglakad nang mabilis, agad ako nitong naabutan. He walked right beside me. 

“Are you sure you don’t want me to carry you?” He kept on teasing me. 

“Of course not!” At pinilit kong binilisan ang paglalakad. 

Saktong nakarating kami sa pinag-parkan ng kotse nito noong bigla akong pulikatin. 

“Aray ko! Aray! Dahan-dahan naman!” Naiiyak na ako sa sakit. 

“I told you I’m gonna carry you! Ang tigas kasi ng ulo mo,” he said as he was stretching my legs. 

Nakaupo ako sa gilid ng parking area habang tinutulungan ako nitong i-stretch ang paa ko para mawala 'yong pulikat. 

“Aray! Aray ko naman! Dahan-dahan naman kasi!"

“I’m trying! Stay still, I'm trying!"

Pinagtitinginan na kami nung mga napadaang mga tao pero wala akong pakialam. Naiiyak na talaga ako sa sakit. 

“How was your leg?” Louie asked me nung nasa kotse na kami. He was busy driving. 

“Masakit pa din pero not that much anymore,” I said. “Thank you.”

The Billionaire's Contract Wife  [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon