Kabanata 8

27 2 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
I woke up with a sight of familiar room—my room. I didn't know what happened after Jelal's caressing my hair, after that , I passed out.

Bumangon ako at tiningnan ang buong kwarto ko. Madilim na at tanging madilim na ilaw lang ng lampshade ang tanging nagsisilbing liwanag sa buong kwarto.

Huminga ako ng malalim at ibinaba ang paa sa sahig. Tiningnan ko ang oras sa wall clock ng kwarto ko at maga-alas dos na ng madaling araw. Bumaba ako para uminom ng tubig.

Pagkainom ko ng tubig ay naghugas ako ng kamay. But while washing my hands I felt my hair being pulled, Hard enough for my head to move back. There was no one around other than the kid in my behind.

Kid!?

Halos masubsob ako kinatatayuan ko ng matantong dalawa nga lang pala kami ni Lola rito at walang bata rito. Ngumiti siya saakin habang wala ang kaniyang mga mata. May tinuturo siya sa may kisame kaya marahan kong iniikot ang ulo ko para makita ang tinuturo niya.

Halos takasan ako ng hininga ng makita ang isa pang batang babae na pareho sa batang nasa likod ko. Wala rin itong mata at nakangiti saakin.

"Laro tayo ate.." sabi ng batang nasa kisame habang hila-hila naman ng batang nasa likod ko ang damit ko.

Hindi na ako nakapagpigil at napasigaw ako sa sobrang takot.

Humahangos na bumaba si Lola suot lang ang roba at dinaluhan ako. Hinaplos niya ang magkabila kong pisnge at natataranta niyang in-examine ang kabuuan ko.

"W-why? T-there's something happened?" Marahang tanong niya.

Hindi ako nakaimik kaya kinabig niya ako para yakapin. Mabilis ang paghinga ko habang namamawis ng malamig. Hindi parin ako masanay-sanay kahit na halos araw-araw akong nakakakita ng mga kaluluwa sa kung saan.

Nagtanong muli si Lola ngunit pag-iling lang ang naisagot ko sakaniya. Ayokong sabihin sakaniya dahil alam kong matatakot rin siya.

Kina-umagahan ay na-late ako ng gising kaya humahangos akong pumasok sa school, last minute na bago mag-umpisa ang klase.

Lutang na lutang ako habang nagd-discuss ang mga teacher namin kaya ang ending ay wala akong natutunan.

"Ayos kana ba?" Tanong saakin ni Jelan habang kumakain ako mag-isa sa canteen. Maaga kasi kaming pinalabas ng teacher ngayon.

"Ayos lang naman. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"I'm fine because you're here." Kumunot ang noo ko nang hindi makaramdam ng kilig na nakasayan ko na.

Pinilig ko ang ulo ko at binago ang lines ni Jelan, corny yata kaya hindi ako kinilig.

"Jelan.." iniangat ko ang ulo ko para kunwaring binalingan ko siya sa harap ko.

Umawang ang labi ko nang dumako ang mata ko sa upuan na nasa harap ko. Malabo ang itsura niya sa imahinasyon ko at halos hindi ko na maaninag ang kaniyang mukha.

"Can I sit here?" Malamig na tono ang nagpabalik saakin sa reyalidad.

Tiningnan ko kung kanino galing ang boses na iyon at bumungad saakin ang poker face ni Jelal. Agad kong iniiwas ang tingin ko sakaniya, dahil nalulula ako sa mga tiningin niya saakin.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon