Kabanata 18

34 4 4
                                        

ERRORS AHEAD

-
-
Para akong lantang gulay na umupo sa sofa pagkapasok ko palang sa bahay. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng insecurity nang makita ko sila sa ganoong estado. Dati naman ay kontento na ako kung anong mayroon ako, sa katunayan nga niyan ay gandang-ganda ako kay Canah. Pero bakit ngayon, gusto ko nang hilahin ang buhok niyang kulot?

Hindi ko naman maipagkaka-ilang mas lamang siya saakin dahil mas matured at mas define ang katawan niya kaysa saakin dahil mas matanda naman ito saakin. Hindi kami nagkakalayo ng height, morena siya at gano'n rin ako. Sopistikada ang datingan ng mukha niya habang ako ay maamo.

Kung brown ang buhok niya na kulot puwes, ako wavy long brown hair!

Kung maganda siya, maganda rin ako! Bakit ba kasi pinagkukumpara ko ang sarili ko sakaniya?

Napabuntong hininga nalang ako at pagod na pumikit. Nakaka-stress palang magka-gusto sa tao. Mas nakaka-stress pa kaysa sa fictional!

Napamulat ako ng mata ng may bumagsak sa harapan ko. Sa sobrang gulat ko'y napahawak nalang ako saaking dibdib.

"Mas nakaka-stress magkagusto sa bata." Mariin niyang sabi at padarag na hinagis ang bag niya sa tabi ko.

Anong sinasabi nito?

Ah Oo nga pala, kina-career niya talaga ang sinabi niyang isa siyang demonyo na nakakabasa ng utak ng ibang tao.

Humagalpak ako ng tawa ng maalala ang sinabi niya saakin.

"Jelal!" Tawag ko sakaniya na ikinahinto naman niya. Lumingon ito saakin at malalim akong tinitigan.

"Bakit?" Kunot noong wika niya.

"Rawr!"

Humagalpak ako ng tawa habang pumapalakpak. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking 'to at masiyado na yatang naadik sa mga libro at gusto pa yata ay maging demonyo siya. Lol.

"Stop teasing me." Irita niyang sabi habang matalim akong tinitingnan.

Naaaliw ako sakaniya sa tuwing ganiyan ang expression niya, para siyang binubully at wala siyang magawa kundi ang mainis.

Padarag niya akong tinalikuran at nagmartsa papasok sa kusina.

Teka bakit ba nandito na naman itong kumag—este demonyong 'to?

Tumayo ako at akmang pupuntahan siya ng makarinig ako ng bulong galing sa hindi ko alam.

"You're mine, that's why I'm here because you're here."

Kulang nalang mabali ang leeg ko kakalingon sa kahit saang sulok ng apartment.

Napayakap ako sa saaking sarili ng matantong ako lang mag-isa rito. Mabilis akong nagtatakbo sa kusina habang namumutla ang mukha.

"J-Jelal.." humahangos na panimula ko habang tinuturo ang sala.

Tumaas ang kilay niya saakin at ang kaniyang gilid ng labi ay bahagyang tumaas.

"Bakit?"

"N-narinig mo... ba 'yong n-nagsalita kanina?"

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon