ERRORS AHEAD
-
-
Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayari saakin. Namimilipit ako sa sobrang init ng bandang dibdib ko at ngayo'y dumagdag pa ang sakit ng aking ulo na para bang pinukpok ng bato sa sobrang sakit."Argh!" Hiyaw ko at napaluhod sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung ano ba ang hahaplusin saaking katawan.
Sa hindi maipaliwanag na paraan ay nakaramdam ako ng matinding gutom at pagka-uhaw. Impit ang paghiyaw ko at pagdaing. At mula sa kinaroonan ko'y nakakarinig ako ng kung anumang ingay na sa hula ko'y galing sa kung saan man.
Sa isang iglap ay naging kasing linaw ng tubig sa ilog ang vision ko at kasing talas ng kung ano ang aking pandinig na kulang nalang ay mababaliw ako dahil sa ingay na naririnig.
Napatayo ako at bumungad saakin ang repleksyon ko sa salamin. Nanlalaki ang aking mga mata sa natuklasan.
Sino itong nasa salamin? Namamaligno na yata ako dahil may babae sa salamin na ngayo'y nakatayo sa harap ko. May sungay ito sa magkabilang side ng ulo, at maiitim ang kabuuan ng mga mata nito na may matatalim na ngipin at mapupulang labi. Maganda sana ang babae kung hindi lamang ganito ang kaniyang itsura. Makinis ang balat nito naparang—
Laglag ang panga ko ng matanto ang mga nangyayari. Hinaplos ko ang mukha ko at gano'n nalang ang gimbal ko ng gayahin ako ng nasa salamin. Mula sa salamin ay nagawi ang mga mata ko sa aking mga daliri. Matutulis ang mga kuko nito na kulay itim na kasing itim ng madilim na mga mata ko ngayon.
Napaatras ako at tumakbo sa may banyo ng kwarto. Agad kong sinindihan ang ilaw at humarap sa salamin.
Ako nga ito!
Mula sa suot kong pantalon at sa shirt na suot ko dahil hindi na ako nakapagpalit kanina. Ang kutis ko ay siya parin, ni walang nagbago kundi tinubuan lang ako ng sungay, tumulis ang maliliit kong mga ngipin, at naging madilim lang ang aking mga mata na katulad sa isang demonyo—
Isang demonyo...
Hindi kaya—nailing ako nang may naalala.
"She has an oneirophrenia, miss Zamora."
"A-ano 'yon doc? Ang sabi kasi ng tumingin noon kay Mia ay sanhi lang ng trauma 'yan?" Boses ni Lola ang narinig ko.
"Oneirophrenia is a state of being confused about distinction between reality and dream as she were living in a dream state."
Hindi ito totoo, Mia. Wake up. You can do it. You are better than this, okay? So wake up.
I closed my eyes and slap my face twice to bring back my senses and opened my eyes quickly to see the same reflection of mine.
"You'll be a converted Demon, Maliah. You'll be like us, Jelal should have told you what would happen to you and the trypa earlier.. . Good luck, see you around!"
Kumibot ang ugat sa may sintido ko nang maalala ang mga sinabi saakin noon ni Canah.
I'll be a demon, a converted one and it's because of the trypa, the mate bond she said.
Akmang hahawakan ko ang repleksyon ko nang biglaang makaramdam ako ng matinding pagka-uhaw at pagkagutom. I already ate and have my snacks earlier and I'm sure that I'm full enough!
![](https://img.wattpad.com/cover/302609983-288-k454305.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasíaDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...