Kabanata 43

18 1 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Tulala ako habang chinecheck ng mga nurse ang kalagayan ko. Bigla kasi akong nawalan ng malay pagkatapos akong kausapin at hawakan ni Rukia. Siya rin ang nagdala saaming kwarto at nagdahilan ng kung ano.

Hindi ko alam kung nagawa ba niyang tanggalin ang alaala ko o hindi. Base naman kasi sa nararamdaman ko ngayon ay parang wala namang nangyari, still broke and numb.

Hindi ko namalayan na tapos na pala ang pagche-check saakin ng mga nurse, nagising lang ako mula sa pagkakatulala ng tapikin ng isang lalaking nurse ang balikat at ngumiti saakin.

Nagpaalam lang saakin ang mga nurse na siya naman kinatango ko bilang pagtugon. Sa totoo lang, wala man lang akong naintindihan sa mga sinabi saakin ng mga nurse.

"Good for you." Basag sa katahimikan ni Tanya.

Nalilito akong binalingan siya and I feel like, "Huh?"

Mahina siyang natawa at medyo lumapit saakin na may malapad na ngiti sa kaniyang namumutlang makipot na labi.

"P'wedi kana rin umuwi bukas, kasabay ko." Kumikinang ang kaniyang magagandang mata ng sabihin niya iyon.

Honestly, Sobrang ganda niya para siyang isang goddess na bumaba sa lupa. Mula sa kaniyang mapupungay na mga mata hanggang sa kaniyang makurbang katawan.

Biruin mo, naka-hospital bed pa siya at halos kagigising-gising lang niya pero para na siyang isasabak sa photo shoot. No wonder kung bakit naakit niya si Ryzen na isang mala-greek god sa sobrang gwapo.

"How old are you?" Wala sa sariling tanong ko kay Tanya.

"I guess, I'm older than you." Kibit balikat niyang sagot.

At dahil hindi ako na-satisfy sa sagot niya ay nairita ako.

"I'm sixteen." Panghahamon ko. "I guess, may trust issue ka kaya pati ang edad ay hindi mo masabi-sabi sa isang hindi kilalang tao—"

"Not that. Mabibigla ka lang kasi kapag nalaman mo ang edad ko." Bahagya siyang natawa kaya para akong isang teenager na humahanga sa kagandahan niya.

How can she be so gorgeous while laughing? Damn!

"I'm 24, a weak psychologist."

Nagulat ako sa sinabi niya. I-isa siyang P-psycholog—

Natawa siya sa naging reaction ko.

"Hindi halata, 'no?" Iiling-iling siyang humarap sa kaniyang bed at tinupi ang kumot roon.

"How about you? Anong kukuhanin mong course kapag nag-college ka?" Napalunok ako ng ilang beses sa tanong niya, nakatalikod siya saakin kaya hindi ko makita ang reaction niya.

"H-hindi ko na... tapos ang h-high school." Nahihiyang usal ko habang nakayuko.

Nahihiya ako dahil sa edad kong ito ay dapat nag-aaral ako at iniisip ang kung anong course ba ang dapat kunin ko sa college, pero heto ako ngayon at pilit tumatakas sa nakaraan habang dala-dala ang bata sa sinapupunan ko.

Ramdam ko ang pagharap niya saakin.

"Okay lang 'yan. Hindi naman nauubusan ng bukas upang ipagpatuloy ang pangarap mo, hindi naman hadlang ang pagkakaroon ng anak sa ganiyang murang edad. Napaaga lang ang responsibilidad mo at na-delay lang ang mga opportunities na p'weding dumating sa'yo, pero that doesn't mean na guguho na ang mga pangarap mo. Mangarap ka lang until you achieve it."

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon