ERRORS AHEAD
-
-
Kabadong-kabado ako habang nasa loob ng Jeep kasama si Jenny. Sinama ko kasi siya sa raket ko ngayon dahil kailangan ko ng kasama, kung sakali mang may mangyari saakin. Med'yo liblib kasi ang pupuntahan namin at nasa lumang bahay pa ang kliyente ko kaya natatakot ako.Namamawis ang palad ko nang mahagip ng mata ko ang titig ni Acre saakin. Hindi ko alam kung totoo ba siya o sadiyang nagi-imagine na naman ako. Hindi ko pinahalata kay Jenny ang nararamdaman ko dahil halata sa ekspresyon niya na kinakabahan rin siya sa kung ano.
"Hindi ka sanay sumakay sa jeep?" Tanong ko upang maibsan ang kabang nararamdaman.
"Sanay naman ako pero ito ang unang beses na sasakay ako na wala si Jolo." Mahinang sabi niya habang nahihiyang ngumiti saakin.
"Ah Jolo? Yung college student na nag-surprise sayo no'ng grade 9 tayo? Jowa mo ba 'yon?" Napasulyap ako kay Acre na mariing nakatitig sa bintana habang nakikinig sa usapan namin.
Guni-guni ko lang ba siya o sadiyang inaatake na naman ako ng hallucination?
Marahas siyang umiling. "Hindi ko Boyfriend 'yon. Mag-bestfriend lang kami." Pagtanggi niya ngunit hindi ito ang nakaagaw ng pansin ko, kundi ang pagtatama ng mga mata namin ni Acre.
It seems that he's true, but unfortunately, he's not. Katulad rin siya ng kaniyang mga kaibigan. Isang imahinasyon lang.
Muli akong bumaling kay Jenny at sinagot siya ng kantyaw.
"Sus! Hindi ako naniniwala. Eh mukha ngang may gusto sa'yo 'yon eh—" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang mag-abot ng bayad si Acre.
"Bayad po." Mababang boses na sabi niya.
Para akong natuod at namuo rin ang pawis sa noo ko, hindi ko na rin alam kung ano bang gagawin ko. Aabutin ko ba o hindi nalang papansinin dahil isa lang siyang imahinasyon na gawa-gawa ng utak ko.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng mahagip ng mga mata ko ang pagkuha ni Jenny sa bayad ni Acre. Pasimple akong kumurap ng ilang beses upang ikumpirma ang nangyayari.
Totoo ba siya? O imahinasyon ko lang rin ang pag-abot ni Jenny sa bayad niya?
Natahimik ako ng huminto ang Jeep at pumara si Acre. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makita ko rin si Pain na sumalubong sakaniya.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin.
No. Hindi maaari. Inaatake na naman ako ng imahinasyon ko. Natatakot ako na baka mag-break down ako sa oras ng trabaho!
"Para po!" Sigaw ko kaya mabilisang nag-preno ang driver.
"Oops. Sorry po." Usal ko ng pagalitan kami ng driver.
Nakayuko akong lumabas sa Jeep dahil sa malalim na iniisip. Nilingon ko si mommy at ang babaeng nakasunod rin kay Jenny, tahimik lang sila habang nakasunod saamin.
Ngumiti lang saakin si mommy bago isinenyas ang kaniyang kamay na magpatuloy sa paglalakad.
"Sa'n tayo?" Tanong ni Jenny nang pumasok kami sa isang masikip na eskinita.
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
Viễn tưởngDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...