Kabanata 50

16 1 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
"Hindi ko na alam, Mia. Naisip ko na ayaw yata ng langit na maging masaya ako." Basag ang boses niya habang nanghihinang nakaratay sa hospital bed.

Kaninang madaling araw, nagising ako sa iyak ni Grant at sakto naman na nakarinig ako ng pagbagsak sa may bandang sala. Nawalan ng malay si Tanya.

Umiling lang ako at pinunasan ang naglandas na luha sa aking pisnge. Alam kong hindi kami blood related pero 'yong mga ginawa niya para saakin ay higit pa sa magkapatid ang naramdaman ko. She's too good to be true.

"W-wala naman akong nagawang masama para parusahan ako ng habambuhay na pasakit—" hinila niya ang aking kamay at nanghihina niyang nilagay sakaniyang pisnge.

"H-he left me t-then he returned but in different attitudes—I mean, hindi na siya ang dating nakilala ko. Iba na rin ang pakiramdam ko sakaniya." Humagulgol siya sakaniyang palad habang ako'y pilit pinipigilang wag madala sa emosyon.

"You know, the problem with you is you're softhearted. Ang bilis mong ma-attach at magtiwala kahit ginago kana niya. You easily forgive people who ruined your peace of mind. Ang dali mong magpatawad, isang sorry lang niya okay na sa'yo." Basag ang boses na sabi ko.

Masiyado nang malala ang kalagayan niya at hindi ko kayang i-risk ang buhay niya para sa isang demonyong katulad ko. Kailangan kong lumayo, hindi para makatakas sa mundo, kundi para sa ikabubuti niya. Kapag nasa tabi niya ako, mas malaki ang posibilidad ang kapahamakan sakaniya. I guess, leaving is the best choice to keep her alive.

Nang makatulog siya'y marahan kong hinaplos ang ulo niya at hinalikan ang kaniyang noo.

"Mag-iingat ka palagi. Mabuhay ka ng matagal. Babalikan kita, pero sa ngayon kailangan ko munang i-control ang sarili ko."

Bago ako lumabas ay nilingon ko siya.

Sana, pagbalik ko, malakas kana.

Sinarado ko na ang pinto at nagpaalam lang sa nurse na naka-assign sakaniya at nagbilin. Wala naman akong problema sa gastusin dahil malaki ang savings niya at isa pa, libre ang pag-stay niya rito. Hindi ko alam kung sino ba ang nagbayad basta nagulat nalang ako nang sabihin na bayad na raw kahit gaano katagal ang itagal ni Tanya rito.

Isa lang naman ang naiisip ko.

Ipinilig ko ang ulo ko't sinabi sa driver ng taxi ang address ng bahay ni Tanya. Pinaalaga ko muna kay Z-John si Grant kanina. Pupungas-pungas pa ngang dumating sa bahay si Z-John kanina, nang tawagan ko siya'y agad na siyang pumunta. Ni-hindi na nga siya nakapag-palit ng damit eh.

"Thank you talaga, Z-John." Bungad ko pagka-kita ko palang sakaniya.

"Wala 'yon. Alam mo naman na malakas ka saakin eh." Malapad siyang ngumiti saakin na kulang nalang ay mawala ang kaniyang mga mata.

Alam ko naman na sa paraan ng pagtrato niya saakin ay alam kong iba ang kahulugan noon para sakaniya.

"Tulog pala si baby, nasa kwarto siya." Lumapit siya saakin at inalalayan akong umupo sa malapit na sofa.

"Kumain kana?" Tanong ko nang maalala na kanina pa siya rito, baka hindi pa nag-breakfast at nag-lunch.

"Nagluto ako, hinihintay kita. Teka painit ko lang—" akmang tatayo siya ng hawakan ko ang kamay niya. Nahinto siya at tila natuod sakaniyang kinalalagyan.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon