Kabanata 7

26 3 4
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
"Happy birthday, my love." Napangiti ako ng mapait habang nakatingin sa salamin.

"Thank you, Jelan."

"Why are you so sad? Today is your day, just enjoy."

Hindi ko alam kung para sa sarili ko ba iyon o sadiyang nagi-imagine lang ako. Saktong alas dose ng umaga ay tumayo ako para batiin ang sarili ko sa salamin. Ganito lagi ang ginagawa ko sa tuwing sasapit ang aking kaarawan.

Paano ko ba maeenjoy ang birthday ko kung sa mismong araw ding ito ang death anniversary ng parents ko? Paano? Paano maging masaya kung sa bawat pagce-celebrate ko ng birthday ay ang mga ngiti ni mommy't daddy ang aking naaalala?

Today is July 1, my birthday and the death anniversary of my parents. Namatay sila pagkatapos naming i-celebrate ang ika-walong taon ko. Galing kami sa isang Kiddy restaurant. Kumain, nagkantahan at nagbigayan ng regalo pero ang mas gusto ko ay ang regalo ni mommy, ang unicorn music box.

Naka-display lang ito saaking bookshelf at hindi ko pa inaalis ang glass box nito.

Ngumiti ako ng may halong sakit habang tumutulo ang aking luha. Bakit ba ayaw nilang maniwala saakin noon? Hindi aksidente ang nangyari!

I hate when I cry all night and no one knows how I handle and fight my phobias and traumas all night. Then I smile in the morning like nothing happened. I need to pretend.

Kailangan kong magpanggap dahil ayoko ng maging pabigat pa kay Lola. Ang dami na niyang sinakripisyo para saakin, pati ang trabaho niya ay pinaubaya na niya kay Lola Linda para lang alagaan ako at samahan ako sa madilim kong tahakin.

"Happy birthday!" Isang confetti ang bumungad saakin pagkalabas ko palang ng kwarto ko.

Alam ko nang mangyayari ito pero umakto parin ako na para bang nagulat at na-surprise.

Niyakap ko sila ng mahigpit at lihim na pinalis ang tumakas na luha saaking mga mata.

"Thank you, Lola! Sobrang saya ko po." She kissed my hair and tap my back. "Promise po uuwi ako ng maaga mamaya para sabay-sabay tayong mag-celebrate nina mommy't daddy!" Masiglang sabi ko na salungat sa nararamdaman ko.

Sixteen years old na ako at eight years na rin akong ulila at tanging si Lola lang ang tumayo bilang aking ama't ina.

"Sige na, baka ma-late ka pa." Inayos niya ang buhok ko habang nangingilid ang kaniyang luha. "Masaya ako para sayo, apo."

Malapad akong ngumiti sakaniya at hinalikan siya sa magkabilang pisnge.

"Lola naman e! Papasukin mo ba ako sa school na umiiyak? Baka sabihin nila inaway mo ko!" Nakangusong sabi ko na ikinatawa niya.

"Sige na. Umalis na kayo ni Jelan." At sumulyap siya sa tabi ko na para bang nakikita niya ang imaginary boyfriend ko.

"Alis na po kami!"

I waved my hand to her and turned my back while wiping my tears. Alam kong ramdam niya ang aura ko ngayon pero hindi lang niya pinapahalata saakin dahil alam kong pati siya ay nahihirapan nang dahil saakin.

Inayos ko ang sarili ko at isinuot ang pekeng ngiti bago pumasok sa main gate at ngitian ang mga bumabati saakin na kakilala.

"Happy birthday, Mia!" Mahigpit na yakap ang bumungad saakin nang nasa pinto na ako ng classroom.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon