Kabanata 51

19 0 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Nakarating na kami ngunit ang isiping nawawala si Jenny Tan ang gumugulo sa utak ko. Sa pagkakaalam ko'y sabay kaming lumabas sa Fylakì Hotel. Wala na akong balita simula nang mangyari iyon.

Binayaran ko lang ang taxi na sinakyan at bumaba na sa isang lugar na kung saan maraming alala ang unti-unting nagtumbok ng aking emosyon.

Nilunok ko ang kung anong nagbara sa lalamunan ko at pumasok sa bukana ng gubat habang bitbit ang natutulog na bata sa isang basket. Ayoko mang gawin ang bagay na ito, ngunit kailangan. Hangga't maaga pa'y kailangan niya rin ng alaga ng kaniyang ama. Mas makakabuti sakaniya na manatili sa piling ng kaniyang ama.

Jelal.. kung naririnig mo man ako ngayon, please take care of our son. He needs a father, he needs you.

Bumuhos ang luha ko habang binabagtas ang palabas sa gubat na ito na kung saan nakatago ang Tore. Habang papalapit sa gusali'y pahigpit ng pahigpit ang kapit ko sa basket. Ayaw ko siyang pakawalan, pero bilang isang ina, mas pipiliin ko parin ang kaligtasan niya. Pipiliin ko parin ang mas makakabuti kahit na ikadurog ko pa.

Pigil ang hikbing inilapag ko ang basket sa bukana ng tore at sa huling pagkakataon, pinagsawa ko ang aking mata sa pagtitig sa isang anghel na nagsilbing buhay ko ng ilang taong lumipas. Hinaplos ko ang malambot niyang pisnge bago ako tumayo at umalis ng walang lingon.

Dahil alam ko, kapag nilingon ko pa siya, hindi ko na siya kayang pakawalan.

Habang sinusuyod ko ang pusod ng gubat ay palakas ng palakas ang hikbi na lumalabas saaking mga labi. Ang bigat, gusto ko siyang bawiin ngunit hindi na p'wedi. Alam kong sa mga oras na ito ay natuklasan na nila ang laman ng basket.

"What did you do, Maliah!?" Tila isang kulog ang umalingaw-ngaw ang boses saaking likuran.

"Anong ginagawa mo rito—at n-nasaan si Grant?" Patuloy niya sa nanghihinang boses.

Nilingon ko siya at tila isang gatilyo nang magtama ang aming mga mata.

"W-wala na siya, Z-John." Bulong ko habang nanghihina ang tuhod.

Dahan-dahan siyang humakbang papunta saakin at nang marating niya ang harapan ko'y hinawakan niya ng masuyo ang kaliwang siko na para bang anumang oras ay mababasag ako.

"W-what do you.. mean, babe?" He said almost whispered.

Umiling-iling lang ako at dinamba siya ng mahigpit na yakap. Siya nalang ang meron ako sa mga oras na ito, siya nalang.

"I'm sorry, Love. I'm sorry. Hush, I'm still here. Don't worry, I'll never leave you." Bulong niya saakin habang pinapa-ulanan ng halik ang ulo ko.

Paulit-ulit niyang binubulong ang mga salitang iyan habang walang sawang hinahaplos ang buhok ko nang ilang minuto bago ako naka-recover.

"Let's rest. Tinawagan ko na sila dad, papunta na sila—"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sabay-sabay na yabag ang papalapit saamin. Ang mga tuyong dahon ang nagsilbing aking tanda upang maramdaman at marinig ang mga taong paparating.

Natataranta kong tinulak palayo si Z-John at hindi magkamayaw ang pagtibok ng puso ko dahil sa kaba at takot na nararamdaman.

Lumipas lamang ang ilang segundo at katulad ng inaasahan ko at tumambad saakin ang malawak na ngisi ng lalaking kinamumuhian ko sa buong buhay ko.

I gritted my teeth out of frustration. Matalim ko siyang pinukulan nang tingin habang nanatiling naka-ngisi ang kaniyang mga labi. Gusto kong paduguin iyon hanggang sa hindi na siya muling maka-ngiti.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon