Kabanata 34

22 1 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Napakurap ako ng tatlong beses bago ako natauhan at nahimasmasan.

Napabalikwas ako ng tayo nang marealize kong nasa ibang kwarto pala ako. Nananakit rin ang katawan ko dahil sa ilang oras na pagtakbo kanina.

Dumako ang mga mata ko sa kurtina na nakaharang sa malaking bintana. At bago ako bumaba ay tiningnan ko ang sarili ko dahil sa pagkakaalala ko ay tanging undergarments lang ang suot ko.

Nangunot ang noo ko nang makita ang napakalaking T-shirt na kulay puti ang nakasuot saakin. Sa sobrang laki nito ay nasa itaas na siya ng tuhod ko!

Bumaba ako't naglakad papunta sa bintana. hinawi ko ang kurtina at sumalubong saakin ang preskong hangin, humaplos ito saaking maliit na mukha ang samyo ng hangin habang nagsasayaw ang buhok ko dahil sa indayog ng hanging humaplos rito.

Napangiti ako nang mapait ng maalala na naman ang naging panaginip ko. He was like a shadow in my life that keeps hunting me. The shadow behind me.

To be honest, I wanna see us together, alive. How I wish.

I wiped my tears off when I tore my gaze to the beautiful garden below. My forehead creased as I saw the familiar garden and the river.

My heart pump rapidly. The sudden scene of my dreams flashing inside my head.

Ang malinaw na ilog at ang nakapaligid na mga bulaklak ay pamilyar na pamilyar na katulad sa panaginip ko. At ito... itong kinatatayuan at inaapakan ko ngayon ay ang tower na nasa dulo ng ilog!

"You're awake." The low baritone filled the room.

I stiffed when I heard that familiar voice.

Mabilis akong umikot paharap sa nagsalita at nasalo ko naman ang seryosong asul na mga mata niya.

"J-Jelal.." mahinang usal ko.

Dumagsa ang iba't ibang emosyon saakin kasabay ng pagkirot ng dibdib ko.

Mariin akong pumikot kasabay ng pag-iling ko.

"Ano ba naman 'to! Panaginip na naman!" Pagmamaktol ko habang pinapadyak ang mga paa ko sa sahig dahil sa inis.

Namumuo ang luha ko dahil sa libo-libong karayom na tumatarak sa dibdib ko.

"You're not dreaming, baby." Mahina at malumanay na sagot niya.

Umiling ako habang nakatingin sa mga paa ko ko.

"Sinasabi mo lang iyan dahil nasa panaginip kita! Pero ang t-totoo... n-nananaginip na naman ako." Umangat ang tingin ko mula sa aking mga paa papunta sakaniyang mukha.

"J-Jelal... I'm... I'm really s-sick." Ramdam kong lumapit siya saakin ngunit iling lang ang naisagot ko.

Naaalala ko noon, noong kauna-unahan akong mahuli ni Lola na nagi-imagine at kumakausap ng hangin ay may pinapunta siyang isang psychology at ang akala nila'y hindi ko pa alam ang mga bagay-bagay.

"She has an oneirophrenia, miss Zamora."

"A-ano 'yon doc? Ang sabi kasi ng tumingin noon kay Mia ay sanhi lang ng trauma 'yan?" Boses ni Lola ang narinig ko.

"Oneirophrenia is a state of being confused about distinction between reality and dream as she were living in a dream state."

Nagising ako mula sa malalim na pag-iisip nang kabigin niya ako't tumama sakaniyang matigas na dibdib.

"Wala kang sakit, Maliah. I am real. This is not a fiction, I'm sorry for leaving you dumbfounded. I'm sorry, baby." Malumanay at mababa niyang sabi habang hinahaplos niya ang aking buhok.

Maniniwala ba ako sakaniya kung ang lugar mismo na tinatapakan namin ay galing sa panaginip ko?

Kumalas ako mula sa pagkakayakap niya at umatras ng dalawang beses. Tumingala ako at sinalubong ang seryoso at malamlam niyang mga mata.

Namuo muli ang mga luha ko at itinaas ang ang isang kamay at marahang hinaplos ang mukha niya.

"Jelal.. hindi ka totoo—"

Mabilis niyang hinawakan ang kamay ko na nasa kaniyang pisnge at mahigpit na hinawakan.

"Totoo ako, Mia. Totoong-totoo." Hinaplos niya ang kaliwang pisnge ko at pinunasan ang tumulong luha saaking pisnge.

"Hindi. Panaginip ka lang..." nanatili siyang tahimik habang nakatitig saakin. "Pero kung nagha-hallucinate ako, b-bakit... n-nahahawakan kita?"

Ginantihan ko ang mahigpit niyang hawak saaking kamay.

"K-kung panaginip ka lang.. b-bakit mukha kang totoo?—"

"Dahil totoo talaga ako, Maliah."

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko at ang libreng kamay ko'y ginamit ko upang sampalin ang aking sarili. Nagulat siya sa ginawa ko at mabilis na hinawakan ang pisnge ko na sa hula ko'y namumula na ngayon.

"K-kung panaginip ka lang.. bakit—" Hinawakan ko ang dibdib niya gamit ang pinangsampal ko saaking pisnge. "B-bakit nahahawakan k-kita?"

Tumingala ako at nasalubong ang kaniyang nakakalunod na mga titig. Tumulo ang nagbabadyang luha saaking mga mata na nagpalambot ng ekspresyon niya.

"B-bakit nahahawakan mo 'ko? Kung h-hindi ka totoo, b-bakit nararamdaman ko ang mga haplos mo?" Nanginginig ang aking katawan at hindi na ako makapagsalita dahil nagkakabuhol-buhol na ang mga salita saaking isipan.

Nagh-hysterical na ako at hindi ko na alam kung paano pa siya hahawakan o saan ko ba siya hahaplusin. Ayokong kumurap, ayokong ipikit ang aking mga mata dahil natatakot ako na baka sa pagdilat ng aking mga mata'y wala na siya.

Binitawan niya ang isa kong kamay at hinawakan ang dalawang pisnge ko at hinaplos iyon ng marahan. Bahagya siyang yumuko saakin habang titig na titig saaking desperadong mukha.

"Totoo ako, baby. You are not imagining things, I am true—" Hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin ng pabalya kong isinubsob ang mukha ko sakaniyang dibdib at doon umiyak ng umiyak habang nanginginig ang buong katawan.

'Yong feeling na gusto kong isumbat lahat ng hinanakit ko, lahat ng napagdaanan ko noong nawala nalang siya bigla, pero hindi ko magawa dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng muli niyang pagkawala. Wala na akong magagawa kundi kimkimin nalang lahat ng iyon dahil sa kagustuhan kong manatili siya.

"Shush, baby. You can have me more freely, now. I'm sorry for leaving you that way. That's the only thing I could do. Please I'm sorry. You are not sick, I am not just a fiction." Pag-aalu niya.

Hindi man ako sigurado kung totoo nga ba siya o hindi, susulitin ko nalang ang mga oras na kasama siya. Mga oras na nararamdaman ko siya, kasi hindi ako sigurado kung gaano ba siya katagal sa tabi ko.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon