ERRORS AHEAD
-
-
Nagmamadali akong lumabas sa tore habang bitbit ang mabigat ang iilang damit na pwedi kong magamit sa paglisan sa kaniyang bisig.I can't. I can't be with him anymore.
Nang magising ako galing sa mga alaalang pinakita saakin ng kwartong iyon ay hinang-hina ako at parang gusto ko nalang mawala sa mundong ito. Parang lahat nalang ng bigat sa langit ay binagsak saakin. Napakalinaw nang narinig ko, si Jelal iyon at boses na sumigaw ay galing kay Acre!
Tinawag siya kasi ayaw nilang mahuli sa krimen na ginawa nila sa pamilya ko!
Sila ang mga inakala kong ibon na sumusunod sa sasakyan namin noon, sila iyon. Gusto kong magwala at patayin sila isa-isa ngunit paano nga ba patayin ang mga nilalang na hindi naman talaga namamatay?
Kaya ba naroon din siya noong mga panahong natagpuan ko si Lola sa sahig habang wala nang buhay at labas ang bituka? Kaya ba lagi siyang nandiyan saakin dahil nagi-guilty lang siya sa pagkain sa Lola ko at pagpatay sa mga magulang ko!?
Putangina niya!
Mabilis ako tumakbo sa kagubatan habang bumubuhos ang luha. Hindi ko parin matanggap ang mga nangyayari at natuklasan ko. Masakit, sa sobrang sakit ay parang dinudurog ako ng pinong-pino.
Hindi ko alam kung saan ba ako pupulutin pagkatapos kong iwan ang lalaking nagsilbing mundo ko. Hindi ko alam kung paano ako mag-uumpisa. Hindi ko alam kung saan pa ba patungo ang madilim na landasing ito.
He's my temporary light in my darkness night but like his promises, everything meant to be broken. He's just temporary, but left a deep scars and mark in my life.
Masyadong maraming nangyari at sa sobrang paghahanap ko ng pagmamahal, nakalimutan ko nang mahalin ang sarili ko. Nakalimutan ko na kung paano ba sumaya ng mag-isa.
Bakit ba kasi kailangang maging masaya pa ako kasama ang ibang tao? Hindi ba pweding maging masaya nang ako nalang? 'Yong sarili ko nalang, walang involve na iba. Kasi the more the mai-involve ako sa iba, sakit lang ang nasusukli saakin.
Saan ba ako lulugar sa mundong puno ng mga taong panakit at puno hipokrita?
I gave my all but I always received nothing but a dagger inside my chest.
Ilang oras kong sinuyod ang kagubatan at sa awa ng Diyos ay nakalabas ako. Nagdiretso ako sa simbahan na kung saan naroon ang ka-isa isang taong alam kong mahal ako at hindi ako kayang saktan.
"Tito.." Nanginginig na boses na tawag ko sakaniya.
Ang kaniyang nakangiting mukha ay biglang naglaho at napalitan ng malambot na ekspresyon nang makita niya ang postura ko.
"Mia.." Natataranta niyang ipinulupot saakin ang hawak niyang tela at giniya ako papasok sa simbahan patungo sa likod ng simbahan na kung saan naroon ang kaniyang tirahan.
Pinigilan ko ang pag-iyak dahil pinagtitinginan na kami ng mga madre na dumadaan.
"Hija, anong nangyari sa'yo?" Unang tanong niya nang maka-upo ako sa sofa ng sala.
"T-tito—" hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may bumara sa lalamunan ko at bumuhos ang mga luha ko.
"Shh.. tsaka mo nalang ipaliwanag kung kaya mo na." Inalo niya ako hanggang sa makaramdam ako ng pagkahilo at panghihina.
Nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto, tsaka ko nalang naalala ang mga nangyari. Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa makaramdam ako ng kung ano sa sikmura ko at napabalikwas ng maramdamang nasusuka ako.
Agad akong tumakbo sa malapit na banyo at doon isinuka ang lahat ng kinain ko. Nakakaramdam rin ako ng pagkahilo kaya ilang minuto pa ang itinagal ko roon upang pakalmahin ang sarili.
Siguro sobrang stress lang at mukhang magkakasakit pa yata ako. Napasapo ako saaking noo at umiikot ang paningin ko. Nangangatog ang mga tuhod ko at nakakapanghina ang nararamdaman ko ngayon.
Sa kalagitnaan ng pagsusuka ko'y may narinig akong isang katok sa pinto ng kwarto kaya kahit gustuhin ko mang sumigaw upang papasukin ang nasa likod ng pinto ay hindi ko magawa dahil sa ultimo-pagbuka ng bibig ko ay nagbibigay kahinaan saakin.
"Papasok na ako, hija." Rinig kong sabi ng nasa likod ng pinto.
Bukas ang pinto ng banyo kaya nang makita niya akong naka-upo at tila lantang gulay sa harap ng inidoro ay agad akong dinaluhan ng matandang madre.
"A-anong nangyari?" Gulantang niyang sabi sabay pag-alalay saakin patayo.
Pag-iling lang ang iginanti ko sakaniya at humarap sa salamin upang hilamusan ang sarili sa gripo.
Habang naghihilamos ako'y titig na titig naman ang matanda saakin sa repleksyon ko sa salamin na para bang isa akong puzzle na kailangan niyang iresolba.
"M-masama lang po ang pakiramdam ko." Naiusal ko ng tumindi ang gitla sa noo niya tanda ng pagkalito.
Tumikhim lang siya at tumango ng mahina saakin bago ako inalalayan papunta sa kama.
"Kumain ka muna bago ka magpahinga, ipagdadala kita ng gamot." Paalala niya, pero bago siya lumabas sa pinto ay sinulyapan muna niya ako at tinanguan.
Malakas akong napabuntong hininga nang tuluyan siyang makaalis siya kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit gano'n siya makatingin saakin.
Napasulyap ako sa tray na nakalapag sa bedside table, natulala ako rito pati na rin sa juice na nasa tabi nito. Gutom ako at uhaw pero hindi ito ang hinahanap kong pagkain. There's something else.
I want something refreshing, like blood and flesh—
I grabbed my chest when I feel the searing pain inside of it. Impit akong napahiyaw dahil baka marinig nila ang sigaw ko. Habol hininga akong napapakapit saaking T-shirt, ramdam ko ang pag-iinit saaking dibdib hanggang sa makita ko ang munting liwanag na nasa loob ng aking dibdib.
Trypa...
'Yan ang unang sumagi sa isip ko nang makita ang liwanag na hugis bilog saaking dibdib.
Kasunod ng pag-ilaw ng trypa sa loob ko ay ang muling pagkirot nito at biglaang pagkamatay ng liwanag nito.
Pawisang habol ko ang hininga ko at hinaplos ang dibdib ko. Hindi ko alam kung dala lang ng pagod ito o ano pero wala akong maramdamang tibok mula sa loob ng dibdib ko, hindi ko maramdaman ang tibok ng puso ko.
Baka guni-guni ko lang o dala ng pagkahilo at pagkalata.
Ipinilig ko ang aking ulo upang mawala ang mga bagay na bumabagabag saakin. Ayoko munang mag-overthink sa ngayon, masyado nang bugbog ang puso ko upang dagdagan pa ng mga isiping makakapagbigay ng stress saakin.
Muli kong ipinikit ang aking mga mata upang ipahinga ang katawan ngunit ang aking kaisipan ay naglalakbay sa kung saan.
Nang maramdaman kong muli ang antok ay nagpahila na ako rito.
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasyDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...