ERRORS AHEAD
-
-
Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng p'weding puntahan ng aking mga paa ay rito pa sa isang liblib na lugar kung saan may napakalaking gate na siguro'y nagsisilbing panangga ng isang syudad sa anumang nilalang dito sa gubat.Mula sa loob ay nakakarinig ako ng mga pagsabog, hiyawan at hinagpis sa kung saan. Nakabukas ang gate kaya nag-diretso pasok na ako ngunit sa pagpasok ko'y tumambad saakin ang nasusunog na bayan.
Anong nangyari rito?
Lumalalim na ang gabi at ang mga tao ay nagtatakbuhan dahil sa sobrang takot at paghihinagpis sa kung anuman. Hinarang ko ang isang babae na patungo sa labas ng gate.
"A-ano pong nangyayari?" Magalang kong hinawakan ang nanginginig niyang kamay. Mababakas rito ang sobrang takot at hinagpis.
"Lumusob ang mga demonyo at ngayon ay kasalukuyang nakikipagdigma ang mga hunter rito." Nauutal man ay malaya niyang naisaad ang nais nitong sabihin.
Hindi na ako nakapagpasalamat sa Ginang dahil mabilis na itong tumakbo at nagtago sa kung saan man.
At ano? Lumusob ang mga demonyo? Imposible!
Kung nandito ang mga hunter, ibig sabihin narito na rin sila uncle at ang Daddy ni Z-John. Mukhang naunahan na nila ako dahil sa traffic kanina'y malamang nga na nauna na sila.
Malakas ang kabog ng dibdib ko na pinagpatuloy ang pagpasok sa pusod ng bayad.
"Jelal!" Tanging naiusal ko at binitbit ang dress ko't kumaripas ng takbo.
Hindi pa ako nakakalayo nang matagpuan ko ang kumupulan ng tao, iilang hikbi ang sumalubong saaking mga tainga.
Nahugot ko ang aking hininga ng masaksihan ang nangyayari kaguluhan sa bayan, isang nilalang ang nakagapos sa wire ng kuryente na sa hinala ko'y isang demonyo. Umatungal ang isang demonyo ng sumabog ang mga wire na nakapatipot sa buo niyang katawan.
Labis-labis ang tahip ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan. Nakakaramdam na rin ako ng pagkamanhid sa sistema ko sa hindi maipaliwanag na paraan.
"Pain!" Para akong natuod ng makita si Jenny Villanueva na lumalapit sa nagwawalang demonyo.
Ngunit hindi iyon ang nakaagaw ng pansin ko, kundi ang nagbabadyang kaunting liwanag saaking dibdib na nagbibigay ng sobrang init saakin.
Mainit.. nakakapaso.
Lumipas ang ilang minuto bago ko ma-proseso ang mga nangyari, naramdaman ko ang mainit na kamay na humawak saakin braso kaya madalian akong napalingon dito.
"Mia?" Nanlalaki ang aking mga mata ng muling masilayan ang isang kaibigan na matagal ko na ring hindi nakita.
"Dawn!?" Gulantang akong napaatras saaking kinatatayuan.
Anong ginagawa ni Dawn dito?
"What are you doing here? At.." hinagod niya ang kabuuan ko.
"At bakit ganiyan ang suot mo?" Dagdag niya.
Hindi pa ako nakakasagot nang mas lalong tumindi ang init saaking kalooban na tumutupok saaking sistema. Nakaramdam ako ng matinding pagka-uhaw at pagkagutom.
Namilipit ako sa sakit at napaluhod sa harapan ni Dawn. Nang akmang hahawakan niya ako nang isang malakas na kamay ang humatak sakaniya na nagpalayo sakaniyan saakin.
"Isa pang demonyo!" Sigaw ng lalaking humatak sakaniya.
Nandidilim na ang aking paningin at nararamdaman ko na rin ang kirot saaking ulo sanhi ng pagtubo ng kung ano rito. Ramdam ko ang pagiging matalas ng ngipin ko at paghaba ng aking mga kuko.

BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasiDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...