Kabanata 20

30 2 17
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame habang malakas na pinapatugtog ang 'Paano' by Zack Tabudlo.

"Alam kong uto-uto ako
alam ko na marupok
Tao lang din naman ako—"

Natigil ako sa pagkanta ng makarinig ng tawanan sa bintana na kaharap lang halos ng saakin. Tumayo ako at mediyo sinilip ang bintana na kung saan nabungaran ko silang nagtatawanan habang nasa iisang mahabang upuan. tumaas ang kilay ko at nagtagis ang mga ngipin.

Mas lalo akong nainis at nakaramdam ng kirot saaking dibdib nang tumugtog ang chorus ng kanta ni Tabudlo.

Pa'no naman ako
Nahulog na sa'yo
Binitawan mo lang ba talaga ako

Naikuyom ko ang kamao ko habang masamang nakatitig sa kabilang bintana.

Parang tanga naman. Pwedi naman kasing tumawa ng mahina. Ano 'yon? Sinasadiya ba talaga nilang iparinig saakin o talagang maharot lang sila?

Marahas kong inalis ang tingin ko sakanila at mabibigat ang hakbang na sumampa muli saaking kama.

Pa'no naman ako
Naghintay ng matagal sa'yo
Wala lang ba talaga lahat ng 'yon sa'yo
Ano na bang gagawin ko?

Inis kong binuksan ang Bluetooth speaker ko at tinodo ang pagpapatugtog para hindi na marinig ang mga malalandi nilang hagikgikan.

We're just friends—wait friends nga ba? Hindi ko nga alam kung ano nga bang tawag saamin pero 'yong kirot sa dibdib ko ay patindi na ng patindi.

Nakakainis!

Nilalapitan niya lang yata ako dahil sa sex na naibibigay ko sakaniya e!

Mabilis kong pinalis ang luhang nahulog saaking pisnge. I guess, gusto lang niya ako dahil sa pansariling tawag ng laman.

He just used me to his sexual arousal. At nakakainis na ganito ako karupok sakaniya!

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili, ayoko nang mag-overthink. Masiyado nang marami ang nangyari saakin, marami na akong naranasan na mas matindi pa rito. E, ano naman ngayon kung ginagamit niya ako bilang pampatanggal init?

Mag-gamitan nalang kami!

Pinatay ko ang radiyo at lumabas ng kwarto. Pumasok ako sa kusina upang kumuha ng malamig na tubig upang pakalmahin ang sarili.

Pagkatapos kong kumalma ay kinuha ko ang walis at magwawalis muna ako sa labas pampatanggal ng inis.

Inumpisahan ko sa may gilid ng apartment, tapos sa harap hanggang sa makarating ako sa pagitan ng kwarto namin. Hindi ko na sana susulyapan ang mga walanghiya kaso, traydor ang mga mata ko at kusa nalang naibaling ang tingin ko sa dalawa na magkapatong.

Naka-upo si Jelal sa upuan habang nasa kandungan niya si Canah at hawak ang kaniyang leeg. Nakatalikod saakin si Canah kaya hindi niya ako nakikita, kaya ang expression ni Jelal ang nakikita ko.

Mukha siyang gulat na gulat habang malamlam ang kaniyang mga mata na nakatitig sa buong mukha ni Canah.

Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila. Basta ang alam ko, naghalo ang inis at selos ko sa nangyayari. Padabog kong binitawan ang walis at lakad-takbong pumasok sa apartment at ni-lock iyon.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon