ERRORS AHEAD-
-
Days passed by Jelal getting colder, I don't know why. Pero hindi iyon ang iniintindi ko ngayon, dahil halos gabi-gabi na wala siya, ang mga gabing ka'y lamig na kung saan kailangang-kailangan ko siya, doon siya wala. Hindi ko maintindihan kung ano bang naging problema, wala naman akong matandaan kung ano bang nagawa kong mali, pero bakit parang kung kumilos siya'y parang napakalaki ng kasalanan ko?Ilang gabi na rin nagpapaulit-ulit ang mga nakaraang gusto ko nang burahin. Hindi ko alam ang dahilan o may pahiwatig ba 'yon sa mangyayari sa hinaharap, Nanatili lang akong bulag at magbubulagbulagan dahil ayoko nang bumalik sa mga panahong walang-wala akong makakapitan kundi ang sarili ko lamang.
Gabi-gabi akong natatakot, nababalisa sa tuwing gigising akong wala siya.
"S-saan ka pupunta?" Hinawakan ko ang kaniyang braso kaya humarap siya saakin.
"May aasikasuhin lang." Malamig na tugon niya kaya tila napaso ang aking kamay at madaling inalis iyon sakaniyang braso.
Tumalikod siya saakin at walang lingon na lumabas saaming kwarto. Huminga ako ng tatlong beses upang kalmahin ang sarili. Nanghihina akong umupo sa kama at napahilamos sa mukha dahil sa frustration.
Alam mo 'yong feeling na sa sobrang pagka-frustrate mo sa isang tao o sa isang bagay tapos hindi ko mailabas kaya naging luha nalang? 'Yon ang kasalukuyang nararamdaman ko ngayon. Ang hirap pigilan ang mga bagay na hindi mo naman talaga kontrolado.
Huminga ako ng tatlong beses bago tumayo at naglakad papunta sa bintana.
Malamig at presko ang hanging dumampi saaking balat, napakapayapang lugar ngunit ngayon ay nagbibigay kalituhan saakin.
Bakit ba bumabagabag saakin ang nakaraan?
Sa gitna nang pagnamnam ko sa tahimik at magaang tanawin ay napukaw ng aking atensyon ang malakas na tunog na nanggagaling sa ika-apat na palapag ng tore, parang may nabasag na kung ano.
Napaawang ang labi ko ng makarinig ng malamyos na tinig na nanggagaling sa itaas. Tila ginagayuma ako nito kaya ang aking katawan ay hindi ko na kontrolado.
Nararamdaman ko ang paghakbang ng aking mga paa hanggang sa makarating ako sa ika-apat na palapag. Palakas ng palakas ang tinig na dumuduyan saakin sa alapaap. Tanging halinghing lamang ang naririnig ko ngunit nakakapagbigay hayahay saaking kalooban.
Nararamdaman ko ang isang pwersang gustong humila saakin mula sa isang kwarto.
"Mommy!"
Hindi ko alam kung bakit sa likod ng pinto ay naririnig ko ang halakhak nina mommy't daddy.
"Baby, I miss you!" Tinig ni mommy ang narinig ko kasabay ng malutong niyang halik saaking pisnge.
Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang doorknob ng pinto kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
"Daddy, you're here!" Ang halakhak ni Daddy ang nagbigay tanda saakin upang buksan ang pintong nagdudugtong saakin mula sa kanilang tinig.
Pagbukas ko nang pinto ay bumungad saakin ang batang ako habang buhat ni Daddy at haplos ni mommy.
Tumakbo ako sakanila ngunit nang aabutin ko na sila'y tila isang hangin lang at tumagos saaking mga yakap.
"Mabuti naman at dumating kayo at may pupuntahan pa kami ni Heirlinda." Naagaw ni Lola ang atensyon ko kaya inulan ako ng mga karayom na unti-unting tumutusok saaking dibdib.
"Lola.." tanging naiusal ko at dahan-dahang naglakad papalapit sakaniya ngunit nang nasa kalagitnaan ako nang pagsalubong sakaniya'y tila isang pelikula at nag-iba mga pangyayari.

BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasyDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...