Kabanata 12

28 3 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Hindi ako makapaniwala sa nangyari kaya out of reflexes, nadampot ko ang kutsara at naipukpok ko sa ulo niya habang sinisipsip parin niya ang labi ko.

Napabitaw siya sa gulat dahil sa ginawa ko. Nakaawang ang labi niyang mamula-mula at basa habang nanlalaki naman ang mga mata niya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa kamay ko na may hawak na kutsara.

Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa pisnge ko at kulang nalang umusok ang tainga ko dahil sa pagsabog ng halo-halong emosyon.

My heart racing and my minds towards many places while my body's froze.

Suminghal siya ng hindi makapaniwala at dinalaan ang kaniyang bibig bago pinaglandas ang kaniyang mata sa pwesto namin.

Doon lang ako natauhan at madaling umalis sa hita niya. Tumalikod ako at parang robot na nagmartsa pabalik sa kwarto ko at hindi na tinapos ang pagkain.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon nagsisisigaw ng malakas.

That was my first kiss!

It is like, feeling at peace by surrounding with a war, freezing under the sun, and burning under the raindrops. Being touched by his lips is like I'm in the cloud nine.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ayokong maabutan siya sa kusina na nagluluto. Nahihiya parin ako sa nangyari kahapon, bakit lagi ko nalang dinadala ang sarili ko sa kahihiyan?

Pero parang hindi yata natulog ang lalaking iyon dahil 5:30 am palang ay naroon na siya sa kusina at naghahanda ng umagahan. Kaya ang dahan-dahan kong paglalakad ay nabalewala ng magsalubong ang aming mga mata.

Tumikhim siya at naunang umiwas ng tingin. Kung maka-iwas naman akala mo siya ang ninakawan ng unang halik!

"Correction, I never stole your first kiss. Ikaw ang kusang lumapit saakin kaya sinunggaban ko na." Sabi niya na para bang nababasa niya ang utak ko.

Ay ako ba? Pero nakaka-hipnotismo kasi ang mga maya niya!

Tumalikod ako sakaniya at akmang aalis na nang may malakas a pwersa na humila saakin papunta sa kusina. Para akong nanigas at hindi ko mailingon ang ulo ko para lingunin ang kung anong humila saakin.

"Mag-almusal ka muna. Hindi magandang walang laman ang tiyan mo papasok sa school." Malamig niyang sabi.

Natauhan lang ako nang hilahin niya ang upuan sa tabi ko tanda na pinapa-upo niya ako.

Umupo ako nang may kalituhan sa isip. Hindi ko hinakbang ang mga paa ko at wala rin akong naramdamang humawak saakin pero bakit narito ako ngayon at naka-upo?

Pinagsawalang-bahala ko nalang iyon at kumain ng tahimik. Pagkatapos ay umalis ako ng walang paalam sa lalaking nagpagulo sa utak ko at pumasok sa school.

Hindi katulad ng mga nakasanayan ko noon, tahimik ang mga lalaki at tila nagbago ang ihip ng hangin dahil hindi na ako ang tampulan ng asar nila ngayon.

"Hi, Mia. Kamusta ang tulog mo?" Nakangiting bungad saakin ni Aljohn na salungat naman sa mukha ng pinsan niya.

"Ayos lang naman. Anong nangyari diyan, bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha niya?" Tanong ko patungkol kay Z-John.

Tumawa ng malakas si Aljohn at inakbayan pa ang pinsan niya habang nakatingala naman ako sa tangkad nila.

"Alam mo kasi, Mia. May balak kasing mag-confess itong pinsan ko sa isang babae—" siniko siya ni Z-John sa tiyan kaya hindi na niya naituloy ang sasabihin niya at pareho na silang nagtalo sa labas ng room.

Iiling-iling naman akong nilampasan sila at pumasok sa room. Bawat madadapuan ng tingin ko ay binabati nila ako na bago saakin. Simula noong pumasok ako pagkatapos ng libing ni Lola ay biglaan nalang silang nagkaroon ng pake saakin.

The class went well and like the usual, I just sit there and imagining things. Pagkatapos ng klase ay nagkita-kita kami nina Dawn sa may likod ng school at nagkamustahan lang at nag-kwento naman si Dawn kung paano niya kailangang-kailangan ang sideline ngayon.

Alam kong bata pa kami at wala pa kaming gaanong karanasan sa ibang bagay, kaya minsan ang paghahanap ng trabaho ay hindi madali saamin kaya pinasok ko ang pambubudol katulad nalang ng tiyamba-tiyambang pagpapaalis ng espirito sa katawan ng tao. At dahil sinuswerti ako lagi at nakakapit yata saakin ang tiyamba ay hindi pa naman ako pumalya sa pagpapaalis ko sakanila.

"I'm exorcist. Kaya 'kong paalisin ang kaluluwa. Gusto mo bang sumama saakin Dawn?" Naka-ngiti kong pag-aaya pero biglang naglaho ang ngiti ko nang biglang magtama ang mga mata namin ni Sassa.

Siya ang pinaka mabait at mahinhin sa buon barkada pero nang makita ko ang paga-alinlangan sakaniyang mga mata, ang pader na itinayo ko simula ng iwan ako ng mga taong mahalaga saakin ay unti-unti nang tumataas.

Natahimik kaming lahat at mula sa mga mata ni Sassa ay ibinaling ko sa nakayukong Dawn ang paningin ko. She's just playing her fingers like she heard something weird while her eyes is full of accusations.

Ngumiti ako ng mapait at ang pader na unti-unting tumataas ay unti-unti na rin kumakapal dahil sa naging reaction niya.

Narinig ko ang mahinang pagngisi ni Rukia kaya napapailing nalang ako sa mga mapang-akusa nilang mga mata. siguro iniisip nila na baliw ako at kailangan ko ng magpatingin sa psychologist katulad ng mga naririnig ko.

Tinalikuran ko sila habang unti-unting umuusbong ang sakit saaking dibdib. People can judge you without knowing the real you. Without knowing your story, your traumas, phobias and even your pain. They never bothered to look at the inner you, behind those smile is the pain hiding inside.

This is too much. The people is too much for me.

"This is too much. Gano'n na ba ako kasama para parusahan ako ng ganito?" Iyak ko habang naka-upo sa sofa.

"You're too soft to this cruel world. You're too innocent to live in this corrupted world. Hindi ka masama, sadiyang malupit lang sila."

Hindi ko alam kung paano nakapasok si Jelal sa apartment pero nagpapasalamat ako dahil nariyan parin siya kahit sukong-suko na ako.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon