ERRORS AHEAD
-
-
After a days of being absent, I go to school and do my normal routine when the teachers discusses the lessons. Z-John and his friends keep teasing me but I didn't bothered to look at them."Nagd-daydream kana naman ba?" Biro ni Z-John at umupo sa harap ko pagkatapos ilapag ang kaniyang plato.
"Bakit ba nandito ka?" Masungit na tanong ko habang iniirapan siya.
"Ang sungit ah. Anyway, sinamahan lang kita dahil kawawa ka naman wala kang kasabay." Sumulyap siya sa mga kaibigan ko na nasa malayong table.
"Eh ano namang pake mo kung mag-isa ako?" Isinubo ko ang nasa kutsara ko at binuksan ang bottled juice ko.
"Wala lang. nagtataka lang ako kung hindi mo kasabay ang mga kaibigan mo." Seryosong tanong niya habang malamlam ang kaniyang singkit na mga mata.
Tumaas ang kilay ko. Bakit ba nagkaroon ng pakealam ngayon saakin ito?
Akmang sasagutin ko na ang kaniyang tanong nang isang plato ang padabog na lumapag sa harap namin ni Z-John.
Tumingala ako at nabungaran ko ang kunot na kunot na noo ni Jelal habang ang kaniyang labi ay nasa grim line, na para bang nagtitimpi sa kung kanino.
"Bakit nandito ka? Ang dami namang vacant table—" Tanong ni Z-John na agad namang pinutol ni Jelal.
"E bakit ikaw nandito ka rin? Ang dami namang vacant table diyan." Balik na tanong ni Jelal at walang ganang tinapunan niya ito ng tingin.
"I wanna eat with Mia. Do you have a problem with that?" Pikon na sagot niya.
"I wanna eat with my girlfriend, too. do you have a problem with that?" Malamig at buong boses ni Jelal ang nagpatahimik kay Z-John.
Natameme ako at hindi man lang naisa-boses ang gustong sabihin dahil sa kabang nararamdaman. Hindi ko na malunok ang kinakain ko dahil sa kaba, lalo pa nang ilagay niya sa plato ko ang hita ng adobong manok na ulam niya.
Bubulong-bulong si Z-John sa harap ko at ang kakagatin niya sanang hita din na manok ay inilagay niya sa plato ko. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya.
"Ayoko pala nang hita ng manok, sa'yo nalang." Inis na sabi niya at sumulyap kay Jelal.
"Ayaw niya ng marami ang kinakain kaya sa'yo na 'yang hita ng manok mo." Pasaring ni Jelal pero nalipat naman ang tingin ko kay Z-John nang siya naman ang gumanti.
"Bakit hindi ikaw ang kumuha ng hita ng manok? Tutal naman ikaw ang naka-isip niyan, bakit hindi ikaw ang gumawa?" Iritado na niyang inayos ang kwelyo ng polo niya at ang singkit niyang mga mata ay natatabunan na dahil sa kunot ng noo niya.
"Bakit? Sino ba ang boyfriend saating dalawa?" Huminto sa pagkain si Jelal at binalingan ng maangas na tingin si Z-John.
Nagtitigan sila na para bang nagsusukatan ng mga tingin. Talaga bang mag-aaway sila sa harapan ko?
Nakakarinig na ako ng mga bulungan sa mga nakakarinig malapit saamin, iilang mga matatalas na mata ang pumukol sa table namin.
"Bakit? Sino ba ang boy bestfriend saating dalawa?" Balik na tanong ni Z-John kay Jelal.
Teka nga, magkalinawan nga tayo. Ano ba ang pinagsasabi ng dalawang ito? At kailan ko pa naging boyfriend ang Copycat na 'to? At kailan ko pa naging bestfriend ang bully na 'to?
Umubo ako para makuha ang atensyon nila. Natigil sila pagtititigan at bumaling saakin.
"Anong nangyayari sainyo? At kailan ko pa kayo naging close? Ang alam ko ay ang isa sainyo ay nakilala ko lang nitong pasukan at ang isa naman ay isang bully? When? When ko kayo naging boyfriend at bestfriend?"
Umayos sila ng upo at nagtuloy sa pagkain. Natapos ang lunch namin na walang nag-iimikan kaya nakakain ako ng maayos.
Nang matapos ako ay tumayo na ako at gano'n rin sila. Akmang kukunin ko na ang bag ko nang mabilis na umikot si Jelal at hinila ito mula sa hawak ko.
"Problema mo?" Kunot-noong tanong.
"Oo nga, anong problema mo?" Gatong ni Z-John na tumayo sa tabi ko at inakbayan ako.
Isinukbit ni Jelal ang bag ko sa kaliwang balikat niya at matalim na tiningnan ang kamay ni Z-John na nasa aking balikat. Napasulyap ako rito at agad siyang siniko kaya nakawala ako sa akbay niya.
"Sadista talaga." Umubo siya habang hawak-hawak ang tiyan niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong hilahin ni Jelal at napasubsob sa matikas niyang dibdib. Para akong mawawalan ng hininga dahil sa lakas ng tibok ng puso ko. Ang dibdib ko ay kumikirot sa bawat malakas na hampas ng puso ko.
Hindi pa ako nakaka-recover sa ginawa niya'y ipinulupot niya ang kaniyang kanang braso saakin na para bang minamarkahan niya ang kaniyang teritoryo.
"Say goodbye to your friend, my love." Mariin at maawtoridad niyang sabi habang hindi pinuputol ang pakikipag-tagisan ng tingin kay Z-John.
Umigting ang panga niya at ang kaniyang ngipin ay nagtagisan na para bang nagtitimpi o kinokontrol ang sarili sa kung sino man.
Halos lahat nang nakarinig ay natahimik. Ako rin ay hindi makapag-react sa mga nangyayari dahil hindi pa napo-proseso ng utak ko ang mga sinabi niya, idagdag mo pa ang braso niyang mahigpit na nakayakap sa maliit kong katawan.
Gulantang akong hinila niya palabas bitbit ang aking bag. Hindi niya inalis ang hawak niya saakin kahit nagkakaroon na ng maliit na crowd sa hallway. Gusto kong pumiglas ngunit tinatanggi ng aking katawan, gusto ko siyang bulyawan pero wala ni isang salita ang lumalabas saaking bibig. Nanunuyo rin ang aking lalamunan dahil sa isiping hawak niya ako.
Hindi tumigil ang malakas na pagbayo ng dibdib ko hanggang sa makarating kami sa classroom. Binitawan niya ako at ibinigay ang bag ko, napayuko nalang ako nang magtama ang aming mga mata.
Sumandal siya sa pader katulad ng ginagawa noon ng imaginary boyfriend ko.
"Pumasok kana. Hihintayin kita hanggang sa maka-upo ka." Mahinang sabi niya habang sinisipat ang mukha kong nakayuko.
"T-thank you." Napakagat labi nalang ako at nagmartsa papasok sa room nang walang lingon-lingon sa lalaking nagpadagundong ng puso ko.
Hindi ako sumulyap sa bintana hanggang sa namalayan ko nalang ang pag-alis niya. nakahinga ako ng maluwag, sa pagbuga ko ng malalim na hininga ay siya ring pag-akyat ng dugo ko sa mukha ko.
Jeez!
Gusto kong magtititili dahil sa paru-parong nasa aking tiyan. Ano bang nangyayari saakin? Kakaiba ito sa mga naramdaman ko noong mga panahong may imaginary boyfriend pa ako.
Buong klase akong lutang at paminsan-minsan ay namumula dahil naaalala ang kahihiyang nangyari sa loob ng canteen.
![](https://img.wattpad.com/cover/302609983-288-k454305.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasíaDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...