ERRORS AHEAD
-
-
I stared at my reflection in the mirror, my soul screaming in pain and emptiness because of the storm I'm facing right now.How could I survived without my son? Damn, I miss him. His soft skin wrapping around me, his gentle voice, his damn eyes that resembles with his father.
Anak, pasensya na kung napakawalang kwenta ng mama mo. Ang sabi ko hahanapin ko lang ang sarili ko at babalikan kita kapag nakokontrol ko na ang sarili ko—pero heto ako ngayon, sa halip na balikan ka'y naghihiganti ako para sa mga taong nawala saakin.
Pero eto lang ang paraan para matahimik ang mga kaluluwa nila at ang sarili ko, kahit ang kapalit pa nito'y buhay ko. At least nailayo ko sila ng kaniyang ama sa organisasyong gustong umubos sa lahi nila, 'di ba?
Ngumiti ako ng makita sa repleksyon ng salamin ang pagbukas ng pinto at iniluwa nito ang ngiting-ngiting si Z-John. Nakasuot ito ng simpleng black long sleeve na nakatupi hanggang sa kaniyang siko habang naka-itim naman na slacks at sapatos ito.
Nilingon ko siya nang inilahad niya ang kaniyang kamay.
"Let's go?" He uttered. I nodded as my response.
Sumakay kami sa nakaparadang SUV na puti sa harap ng mansion nila. Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat at inalalayan sa pagpasok bago siya sumunod.
Papunta kami ngayon sa isang party na gaganapin sa malapit sa bahay-ampunan. Ang gusto kasi ng daddy niya'y isasabay na sa Charity event ang engagement party. Well, wala naman akong pakealam kung kailan o saan nila gustong ganapin ang mga ganitong bagay, dahil una sa lahat ay ginagawa ko lang ito para maisagawa ang mga plano ko.
"You look pretty, Mia." Basag ni Z-John sa katahimikan. Nakatingin na pala ito saakin nang hindi ko napapansin.
Nilingon ko siya at binigyan ng matamis na ngiti sabay sabi ng aking pasasalamat.
Nang makarating na kami sa venue ay bumuhos ang iilang mga alaala na mayroon ako dito. Dito ko natuklasan ang ginawa ni Baste sa mga magulang at lola ko, at dito rin sa lugar na ito nalaman ko na nagbunga ang pagmamahalan namin ni Jelal.
Wala sa sariling napahaplos ako saaking maimpis na tiyan habang naglalakad papasok sa magarbong pintuan, at katulad ng inaasahan ay may pagka-magarbo ang lugar. Mula sa mga kurtina, at sa mga taong naka-semi-formal ay makikita ang karangyaan na sinamahan pa ng mga bandang kumakanta sa stage.
Pinaghila ako ni Z-John ng upuan, nasa unahang table kami naka-upo at kitang-kita ang mga kumakanta sa stage.
Maraming lumalapit saamin at nakikipag-kamay at pinaparating ang kanilang pagkagalak sa nalalapit naming kasal. Ako naman ay hindi na mapakali dahil sa hindi malamang dahilan, lumalakas ang kabog ng puso ko. Ang mga mata ko ay parang may hinahanap na kung sino.
Naituon ko ang pansin ko kay Z-John nang bigla niyang hawakan ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Are you okay?" He asked.
"Y-yeah, why?"
Tinitigan niya ako ng ilang segundo at hinaplos-haplos ang kamay ko sa ilalim ng lamesa.
"Nanginginig ka." Ang mata niya'y may bahid ng paga-alala kaya nginitian ko lang siya.
"I'm fine. Gutom lang siguro ako." Pagsisinungaling ko.
Kahit ako rin naman ay hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng ganito. Tumayo siya't may pinuntahan at nang pagbalik niya'y may dala siyang dalawang plato na may lamang pagkain.
"Paanong hindi ka gugutumin, hindi mo naman kinain 'yong pagkain mo kanina."
Siya na mismo ang nag-ayos ng pagkain ko at kumuha ng maiinom bago kami sabay na kumain. Hindi ako nakakain kanina dahil kakaisip ko sa magaganap ngayong gabi.
![](https://img.wattpad.com/cover/302609983-288-k454305.jpg)
BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
ФэнтезиDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...