Kabanata 32

20 2 0
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Napabalikwas ako galing sa pagkakatulog sa tub. Pawis na pawis ako kahit na nakababad ako sa tubig. Natulala ako ng ilang minuto sa pader ng bathroom dahil sa kakaibang panaginip.

Hayst. Ngayon nagw-wet dreams na rin ako.

Napa-face palm nalang ako dahil sa kahihiyan sa sarili. Mabilis 'kong tinapos ang paglilinis saaking sarili at nagmamadaling lumabas sa banyo.

Nangawit yata ako kanina dahil nananakit ang katawan ko. Nakapulupot saakin ang towel at walang pasubaling inalis ito nang makatungtong ang aking mga paa sa carpet.

Akmang aabutin ko ang undergarments ko nang mahagip ng aking mga mata ang eleganteng human size mirror malapit sa isang pang pinto, ang hula ko'y walking closet iyon.

Naglakad ako ng walang saplot papunta sa salamin, napapilig ang ulo ko nang makita ang pinaghalong violet at green saaking dibdib na para bang sinipsip ng kung sino, at mas umagaw ng pansin ko ay ang handprint na nasa baywang ko na katulad sa mga pasa ko noon.

Hinaplos ko ito at agad na napangiwi ng maramdaman ang kirot. Nagkibit balikat nalang ako at sa pag-ikot ko ay nakaramdam ako ng kung anong bumukol saaking lalamunan na para bang pilit itong inilalabas ngunit hindi nito nagawa dahil kusang nanlalaban ang kung anong nasa lalamunan ko.

Gusto kong mag-suka ngunit walang lumalabas na kung ano, parang hinaharangan ng bagay sa lalamunan ko.

"Baby, please... take care of the mate bond."

Hindi gaanong malinaw saakin ang narinig ko dahil isang matinis na boses ang umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto.

Nanindig ang balahibo ko at nagmamadaling isinuot ang undergarments ko at ang bathrobe na nakita kong nasa ibabaw ng kama. Pinilit kong lunukin ang kung anong nagbara saaking lalamunan, at sa wakas ay hindi na ito nagpumilit pang lumabas.

"Welcome to Fylakí Hotel." The pitched high tone's said.

Inilibot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng kwarto ngunit wala akong nakita kundi ang repleksyon ko lamang sa salamin.

Nanlalaki ang mga mata ko nang matantong ako lang pala ng mag-isa sa kwartong ito.

"Hi, Maliah! How are you?" Napalunok ako ng tatlong beses habang nangangatog ang mga tuhod ko sa takot.

Imahinasyon ko lang ba ito o sadiyang nangyayari sa totoong buhay?

Gusto kong umiyak pero tila nag-yelo yata ang mga luha ko dahil sa sobrang panlalamig ng katawan ko sa sobrang takot.

Hindi ako pweding mag-break down dito. Ikalma mo ang sarili mo, Mia. Huminga ng malalim ng tatlong beses. This is just your one of your hallucinations, don't panic.

Huminga ako ng tatlong beses, pero nang nasa pangatlo na ako'y narinig ko muli ang matinis niyang boses.

"This is not a dream, Maliah. I am a real thing. You are not hallucinating. I, Wendy the doll wants to play with you. Do you wanna play with me?"

Hindi ko na nakayanan at mabilis kong tinahak ang daan palapit sa pinto.

"No! Hindi ka totoo! Hindi kita naririnig!" Sigaw ko sa loob ng kwarto.

"I know you can hear me... I see it through your eyes. It's already late, but do you wanna play hide and seek?" Mapaglarong usal niya muli.

Pinihit ko ang doorknob ngunit ayaw nitong mabuksan.

"Shit!"

"I can sense your horror, Maliah. I wanna see it closer, but I want you to hide first. Wendy the doll will search for you."

Muli kong pinihit ang pinto at sa wakas ay bumukas rin ito. Makakahinga na sana ako ng maluwag pero nang makita ko rin si Jenny na pawisan at namumutla gaya ko ay biglang nanlalaki ang ulo ko dahil sa presensyang gustong humila saakin sa loob ng kwarto ko.

"A-a-alis na tayo rito, Jenny." Nanginginig na ani ko.

Napasulyap ko sa mga sumunod na pinto dahil gusto ko nang gisingin pa sina Sassa dahil aalis na kami rito. Ngayong alam kong hindi lang yata ako ang nakarinig ng boses na iyon.

Akmang maglalakad na ako upang katukin ang malapit na kwarto ni Dawn, nang bigla na itong bumukas at iniluwa rin nito ang pawisan at namumutlang si Dawn.

"Uwi na tayo.." hikbi niya habang palinga-linga sa kung saan na para bang may kinatatakutan.

Mukhang pati siya ay narinig ang boses.

"There's a doll that keep chasing me.." Ang sabi ko sakanila.

"Me too!" Dagdag ni Dawn habang nanatili namang tahimik si Jenny.

Nagkatinginan kaming tatlo at tinungo ang sumunod na pinto na kung saan ay kwarto naman ni Sassa. Akmang kakatukin ko na ang kwarto ni Sassa nang makarinig kami ng kalampag na nanggagaling mismo sa loob ng kwarto niya.

"Sassa, are you okay? Aalis na tayo kaya tara na—" Hindi na naituloy ni Jenny ang sasabihin nang umalingawngaw ang boses ni Sassa na nagmamakaawa.

"Paki bukas ng pintuan please, I can't open it. Someone is hunting me, please." Hikbing sabi niya.

Pilit na binubuksan ni Jenny ang pinto habang kami naman ni Dawn ay kinakausap ang umiiyak na si Sassa.

"Don't l-leave me yet." Hagulgol niya habang binabalya naman ni Jenny ang pinto.

"No, never." Sabi ko.

"Ayaw mabuksan.." bulong saakin ni Dawn upang hindi na mag-panic pa si Sassa sa loob.

"Tutulungan ko si Jenny magbukas tapos katukin mo na si Rukia." Bulong ko sakaniya na agad naman niyang sinunod.

Ilang minuto siguro namin pilit binubuksan ang makapal at malaking pinto na iyon ngunit mukhang sinadiya yata na i-lock ang pinto.

"Here I come.." Naalarma kaming dalawa ni Jenny nang marinig muli ang boses na iyon. Nakita ko ang pangangatal niya kaya wala kaming magagawa kung matatakot rin ako at magiging mahina. Kailangan kong maging matatag upang hindi sila panghinaan.

Rinig kong kinakatok ni Dawn ang kwarto ni Rukia ngunit wala kaming narinig na sagot na para bang walang tao sa loob.

"I could hear your sharp breaths, do you think I let you win?" Kasabay ng pagkalampag ng kisame ay ang unti-unting paglapit ng boses.

"Iwan niyo... na 'ko. run. Before she'll find y'all." Mahinang sabi ni Sassa kaya tila naestatwa naman ako sa kinatatayuan.

Hindi pweding iwan siya, pero.. kapag binantayan namin siya'y pare-pareho kaming mapapahamak!

Natauhan ako nang marinig ko ang malakas na pagsigaw ni Sassa mula sa loob.

Tila nabuhusan ako nang napakalamig na tubig at ang katawan ko'y nanigas dahil sa katakot-takot na sigaw na iyon ni Sassa.

Ilang beses naming tinawag ang boses niya ngunit walang sumasagot. Gusto kong iiyak nalang ang sakit at pagod na natamo sa araw na ito ngunit hindi ko magawa dahil mas kailangan ko ngayon ang lakas at tibay ng loob dahil nasa bingit kami ng kapahamakan.

Hinila ako ni Dawn paalis sa pintuan ni Sassa at mabilisang tumakbo paalis sa hallway na iyon.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon