ERRORS AHEAD
-
-
Ilang oras akong naghintay sa apartment, mula ng umalis ako kanina hanggang sa mag-gabi ay walang Jelal ang dumating.Pagkabalik ko kanina'y wala na si Dra. Sarmiento. Sinilip ko rin ang kabilang apartment ay walang tao at may nakapaskil na karatula na nagsasabing bakante ang apartment na iyon.
Naguguluhan ako kung ano ba ang nangyayari, bakit biglaan ang pagkawala niya? Labis-labis ang pagtahip ng puso ko at dumating pa sa puntong masakit na ang bawat pagbayo nito.
Naghintay ako, kasama ng mga pinaghirapan kong niluto sa lamesahan ngunit ni anino niya'y hindi ko nasilayan. Nag-uumpisa nang mangilid ang aking mga luha, pasikip na ng pasikip ang aking dibdib sa sakit na nadarama.
Ilang beses ko na bang pinaalalahanan ang sarili kong dadating siya?
Ilang beses na, at kung bibilangin ko iyon simula umaga hanggang ngayong ala una na ng madaling araw ay kulang ang isang-daan, dahil oras-oras, minu-minuto at segu-segundo kong pinaaalalahanan ang sarili ko.
Pabalik-balik ako sa bintana at tinatanaw ang anino niya na kakatok saaking pintuan. Kahit nawawalan na ako ng pag-asa'y sinusubukan ko paring maghintay.
When I'm with him, it feels so real. I felt his warmth touched. He's real. I feel him.
Umupo ako sa upuan sa harap ng lamesa at nagsimulang magsalin ng tubig sa baso. Nanginginig kong ininom ang tubig habang naglalandas ang luha saaking mga mata.
Kahit ako ay hindi na rin kumbinsido na totoo siya, na nage-exist lang siya sa totoong mundo. Sa mga oras na nandiyan siya ay parang hindi kapani-paniwala. He's too good to be true.
Huminga ako ng malalim at sinulyapan ang wall clock sa kusina at konting oras nalang ay sisikat na ang araw. Tumayo ako at inilagay sa loob ng refrigerator ang mga hindi nakaing pagkain. Hindi ko maramdaman ang gutom kahit kahapon pang walang laman ang sikmura ko.
Pumasok ako sa kwarto at naligo upang maghanda para sa pagpasok sa eskwelahan. May unti-unting umuusbong na pag-asa sa dibdib ko dahil nagbabakasaling makita ko siya roon. Kailangan ko ring kapalan ang mukha ko para tanungin si Canah kung kilala ba niya si Jelal.
Dahil ang mga taong nakakita at nakasaksi sakaniya ang magpapatunay na totoo siya.
Maaga akong pumasok sa school, mas maaga pa sa guard kaya naghintay pa ako ng ilang minuto bago tuluyang makapasok sa loob.
Pagkapasok ko ay agad akong dumiretso sa college building upang abangan ang mga kaklase niya. Para akong baliw roon na palingon-lingon habang hindi pa nakasuklay ang aking buhok. Wala na akong oras upang ayusin pa ang sarili ko kanina dahil masiyado nang okupado ang utak ko sa mga bagay-bagay.
Sa ilang minutong pagtitiyagang maghintay at nang sa wakas ay nakita ko na rin ang isa sa mga classmate niya.
"Hi, Good morning." Bati ko at tipid na ngumiti sa babae.
"Good morning." Tugon niya at ngitian rin ako.
"Ahm. Itatanong ko lang sana..." Kabado kong pinalalaruan daliri ko sa gilid sa loob ng aking bulsa.
"Ang ano?" She patiently said.
"K-kung.. p-pumasok ba si Jelal Del Castillo?" Napakagat ako ng labi habang tinitingala ang babae.
Pumilig ang ulo niya at kumunot ang kaniyang noo.
"Jelal Del Castillo? Miss nagkamali ka yata ng pinagtanungan. Wala kasi akong kilalang Jelal Del Castillo. Baka sa BSABE B 'yon." Akmang lalampasan niya ako nang hawakan ko ang kaniyang braso.
Lumunok ako ng tatlong boses upang alisin ang bukol sa lalamunan ko.
"Bachelor of Science in Agricultural Biosystems Engineering, Third year class A 'to... 'di ba?" Pagkukumpirma ko.
Hinarap niya ako at alanganing nginitian.
"Oo, pero wala talaga akong kilalang Jelal Del Castillo, pasensya na. If you don't mind, can I excuse myself?" Tumango lang ako sakaniya at nanlulumong bumaba ng building.
Hindi ko alam kung ano bang dapat maramdaman ko, parang niyayamukos ang puso ko sa sobrang sakit pero pigil ko ang emosyon ko dahil hindi ako pweding mag-breakdown rito.
Habang laglag ang balikat na naglalakad ako sa oval ng college, nang mahagip ng paningin ko si Canah na eleganteng naglalakad mag-isa habang binabati ang mga bumabati sakaniya.
Napa-ngiti nalang ako ng magtama ang paningin namin. Ginantihan niya ako ng ngiti at isang tango kaya nilapitan ko agad siya.
"G-Good morning." Napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Good morning, how may I help you?" Malapad ang ngiti niyang tanong saakin.
Hindi ko na pinag-isipan pa ang sasabihin ko dahil kating-kati na akong malaman ang totoo.
"S-Si Jelal Del Castillo, kilala mo ba?"
Ang malapad niyang ngiti ay unti-unting nawala kaya may tumubo na namang pag-asa sa dibdib ko.
"Jelal Del Castillo? Ahm.." pumilig ang ulo niya tanda ng pag-alala ng isang bagay. "Sorry, wala akong maalala eh."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nanginginig ang labi kong hinawakan ang malambot niyang kamay. Namumuo na rin ang luha ko na siya namang ikinaalarma niya.
"S-sorry. Hindi ko talaga siya kilala, a-ano—" taranta niyang kinuha ang panyo sakaniyang bulsa ng jeans at pinunasan ang tumulong luha saaking mga mata. "Gusto mo bang t-tulungan kitang—"
Umiling nalang ako at binitawan ang kaniyang kamay. Iniwasan ko rin ang nagbabadyang pagpunas niya ng luha ko.
"Thank you, I should go now." Walang pasubaling iniwan ko siya roon. Narinig ko pang tinawag niya ako ngunit hindi ko na siya nilingon.
Bakit hindi nila kilala si Jelal? Ano bang nangyayari? Nananaginip ba ako?
Pumasok ako sa room at nadatnan ko si Z-John at Aljohn na may nilalagay sa umupuan ko. Mukhang nagulat sila sa pagpasok ko kaya napatayo sila ng matuwid habang nakangiti na parang aso.
"G-Good morning, Mia." They said in unison.
"Walang good sa morning." Tipid akong ngumiti sakanila at umupo.
Nagkalat ang chocolate at daisy sa upuan ko. Hindi ko pinansin ang mga mata ng mga classmate ko at idinukdok ang sarili sa armchair.
Pagod na pagod na ako.
Napa-upo ako tuwid ng maalala ang sagutan nina Z-John at Jelal.
"Z-John!" Tawag ko na agad naman sinabayan ng kantyaw ng mga barkada nito.
"Bakit?" Namumula niyang sagot.
Isinenyas ko ang tabi ng upuan ko na agad naman niyang dinaluhan.
"M-may natatandaan ka bang Jelal?" Mahinang tanong ko.
"Jelal?" At gaya ng ginawa ng mga pinagtanungan ko ay pumilig ang ulo niya. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa. Alam ko na ang susunod na sasabihin niya—
"Oo may natatandaan ako."

BINABASA MO ANG
DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]
FantasiaDemon Series #2: Naranasan mo na bang managinip na ikinakasal ka sa isang lalaking malabo ang mukha na halos hindi mo maaninag? Si Maliah Anzella Alisdan ay isang ulilang lubos na ang tanging Lola lamang niya ang nagsilbing kaniyang ama't ina. Simul...