Kabanata 5

35 3 2
                                    

ERRORS AHEAD

-
-
Kalat na sa classroom at sa katabing room ang relationship daw namin ng third year college students, kaya samu't sari ang nakukuha kong komento katulad nga:

"Ang swerte mo naman."

"Ang tanda na no'n pinatulan mo pa!"

"Gagawin ka lang no'n isa sa mga collection niya. Babaero daw si Jelal eh."

"Sana all may sugar daddy!"

Eh ano naman pakealam ko sa komento nila? Mga walang magawa sa buhay. Samantalang dati hindi naman ako pinapansin ng mga 'yan pero nang may kumalat na chismis, akala mo naman kung sinong higad kung kumapit saakin na akala mo close kami.

"Hindi pa nangangalahati ang June may issue kana, Mia." Sabi ni Dawn habang ngumunguya ng potato chips.

"Hayaan mo sila, magsasawa rin iyang mga 'yan. Wag nalang nating pansinin." Singit ni Sassa sa usapan.

Actually, wala naman akong pakealam sa issue na kumakalat ngayon, ang problema ko ay kung paano ko mabubura sa utak ko ang pagmumukha ng lalaking iyon. Paano ba namin kasi, sa tuwing may moment kami ni Jelan ay 'yong Jelal na iyon at ang nakakaloko niyang ngisi ang naiisip ko!

"Jelan baby?" Tawag ko sa kalagitnaan ng gabi. Nagising ako dahil may naramdaman na naman ako na parang may malakas na sumampal sa braso ko.

"I'm here. Matulog kana ulit." Ngingiti na sana ako sakaniya nang makita ko ang nakakalokong ngisi sakaniyang labi.

Napabangon bigla ako at tinapik-tapik ang dalawang pisnge ko.

"Tsaka nalang kita hahalikan kapag wala nang nanonood saatin." Nabato ko sa ere ang unan ko sa sobrang gulat at inis ng makita ang pamilyar na ngising iyon.

Alam ko naman na magkamukha sila ni Jelan pero iba ang katangian ng aking mahal! Sweet at tiklop siya saakin pero bad boy siya sa iba!

Pero bakit ba 'yong mapang-asar na ngis at ang poker face ng Jelal na iyon ang nai-imagine ko? Isa siyang bangungot sa isipan ko!

Isang lason!

Dahil sakaniya bigla nalang nahinto ang story namin ng boyfriend ko. Parang na-block nalang bigla ang utak ko. Isa pa kapag tina-try kong mag-imagine, mukha ng copycat na 'yon ang lumalabas  sa imahinasyo ko kaya inihinto ko muna.

Kailangang mawala siya sa landas ko!

Kailangan hindi ko na siya makita pa. Kung kailangan kong magtago sa kahit saan kapag nariyan siya ay gagawin ko for the sake of my imagination.

Tama, dapat gano'n ang gawin ko para magkaroon ako ng peace of mind with my Jelan, my original version of blue eyes bad boy.

"Anong tinatango-tango mo diyan, Mia? Para kang tanga." Walang prenong sabi ni Rukia.

"Iniisip ko lang naman kung paano ko maiiwasan ang pagtatagpo ng landas namin ng Jelal na 'yon!" Tumayo ako at humarap sakanila habang nakapamaywang.

"Iiwasan mo siya?" Inosenteng tanong ni Sassa.

"Tumpak!" Pinitik ko ang kamay ko sa ere. "Dahil sakaniya nag-spread ang rumors tungkol sa relasyon namin. Like eww, Ayoko sa sugar daddy."

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon