Kabanata 9

57 3 0
                                        

ERRORS AHEAD

-
-
I blew my cheeks while listening to my Lola. She keep ranting about my attitudes when I saw Jelal.

Tinanong niya rin saakin ang tungkol sa pangalan ng imaginary boyfriend ko.

"Sabihin mo nga saakin, Maliah Anzella ang totoo. 'Yong description at ang pangalan ng imaginary boyfriend mo at si Jelal ay iisa, pinalitan mo lang ng N 'yong L—"

Nagpapadiyak ako habang ginugulo ang buhok ko.

"Lola, hindi nga po kasi! nitong Pasukan ko lang nakita 'yang lalaking 'yan kaya paano ko naman gagayahin ang itsura niya? In fact, siya ang gumaya—" hinampas niya ang braso ko na nakapagpatahimik saakin.

Ngumuso nalang ako at nakinig sa mga sermon niya kahit wala namang katotohanan. Hindi ko naman talaga kinopya ang itsura ni Jelan, baka 'yong sperm ng mga magulang ng walanghiyang lalaki na 'yon ang may kasalanan!

"Sige nga, ipaliwanag mo kung paano nabuo ang itsura ng boyfriend mo?" Nakapamaywang na sabi niya sa harap ko.

Hindi ko alam kung bakit ang big deal kay Lola ang itsura at description ng imaginary boyfriend ko, samantalang ako dapat ang nagra-rant dahil ako itong naagrabyado!

Huminga ako ng malalim at sinalubong ang nanlilisik niyang mga mata.

"Lola, kinuha ko po ang itsura ni Jelan sa panaginip ko noong dose anyos ako. Isa pa, kahit kamukha siya ni Jelan hinding-hindi ako magkakagusto roon! Ang tanda-tanda na no'n eh."

Malakas na suminghal si Lola sa harap ko.

"Ganiyan rin ang sinabi ng mommy mo, ayaw niya sa mas matanda sakaniya. Pero ano? Ayon, na in love sa higit sa limang taon ang tanda sakaniya."

"Iba naman kasi sila mommy, Lola!" Muryot ko.

"So sa panaginip mo nakuha ang mukha ni Jelan? Diyos ko, ilang taon kana bang baliw na baliw diyan sa imaginary boyfriend mo, Maliah!" Sabi niya habang pagod na pagod na idinantay ang kaniyang katawan sa sofa.

"At least sa imahinasyon lang." bulong ko na nagpalingon sakaniya.

Natahimik kami ng ilang minuto bago muli siyang tumayo at hinarap ako.

"Pero hindi mo talaga kinuha ang katangian ni Jelal sa Jelan mo?"

"Hindi nga po, Lola!"

Halos maga-alas dose na ng hating gabi ay hindi parin ako dinadatingan ng antok. Kaya imbis na pansinin ang mga kaluluwa na nagpapagala-gala sa kwarto ko ay nag-imagine nalang ako.

"Baby, I can't sleep." Nakangusong sabi ko sa unan na nasa tabi ko.

"I can't sing.." kunwaring nalungkot ako at lumabi. "Pero, mukhang magagawan ko naman ng paraan para saiyo."

Lumapad ang ngiti ko at kinilig. Hindi ko alam kung bakit lumalabo siya sa imahinasyon ko, ang kaniyang pigura ay unti-unting naglalaho pero dahil gusto kong malibang, pinagtiyagaan ko nalang ang malabong imahe niya.

"Tsk!" Napabangon ako galing sa pagkakahiga nang marinig ang boses ng lalaking iyon.

Guni-guni ko lang ba iyon o sadiyang may narinig ako?

"Love—"

"Matulog kana, tama na pagd-daydream."

Napa-face palm nalang ako nang marinig ko ulit ang malalim na boses ni Jelal. Ano ba naman 'yan, pati ba naman sa utak ko pinepeste niya ako!?

Nang dahil sakaniya ay lumalabo na ang imahinasyon ko sa boyfriend ko, tapos pati ba naman sa gabi guguluhin pa ako ng boses niya!?

Madamag kong tinakpan ang tainga ko hanggang sa makatulog ako.

Pagkagising ko lutang na lutang akong naligo at naghanda para sa school pero pagbaba ko tila sinabuyan ako ng malamig na malamig na tubig nang makitang naka-upo si Jelal sa hapag habang pinagsisilbihan siya ni Lola. At ang pinakamasaklap, sa upuan ko pa siya nakaupo!

"Anong ginagawa mo dito?" Mariing tanong ko ngunit tinapunan lang niya ako ng bored na tingin at sumubo ng bacon na kinuha niya mula sa inilapag ni Lola.

"Ano ba namang tanong 'yan, Mia? Ang aga-aga iyan ang ibubungad mo sa bisita natin?" Nakapamaywang na singit ni lola.

"Eh Lola, bakit dito nakikikain 'yan—"

"Ayos-ayusin mo ang pag-uugali mo, Maliah Anzella. Hindi kita ganiyan pinalaki." Nagpapadiyak ako sa sobrang inis.

"Hindi naman ako lumaki Lola." Bulong ko at hindi naman nakatakas saaking mata ang pag-ngiti ni Jelal. "Lola, tingnan mo tumatawa pa siya!"

"Tama na ang daldal, Mia. Male-late kayo. Isa pa ako ang nag-aya sakaniya na dito na mag-agahan dahil mag-isa lang siya roon!"

Buong agahan akong nakabusangot at sa bawat subo ng nasa harap ko ay sinasamaan ko siya ng tingin pero parang walang epekto sakaniya.

Tinulungan niyang magligpit si Lola at pinagpag ang kaniyang uniform at ngumiti ng malawak kay Lola.

"Alis na po kami—"

"Anong kami? Ikaw lang!" Pambabara ko sa sinabi niya kaya napatikhim siya at pumilig ang ulo.

"May iba ka pa bang pupuntahan?" Malumanay na tanong niya.

"W-wala!" Inirapan ko nalang siya at nagtungo kay Lola at hinalikan siya sa pisnge. "Alis na po ako, Lola." Paalam ko na pinag-diinan ang salitang 'ako'.

Ayokong kasabay ang taong sumisira ng imahinasyon ko. Pati ang love story namin ni Jelan ay napurnada ng dahil lang sakaniya.

Habang nauuna ako sa paglalakad sakaniya ay ramdam ko ang paninitig ng mga mata niya kaya nilingon ko siya.

"'Wag mo nga akong titigan, akala mo naman hindi ko nalalaman. Crush mo ba 'ko?" Maarteng baling ko sa naka-poker na mukha niya.

"Tsk! Hindi ko gusto ang mga babaeng mukhang dwendi." A wicked smile formed on his lips.

Nagpupuyos ako sa galit at mabilis nilamon ng mga paa ko ang distansya namin at itinutok ko sa leeg niya ang folding umbrella ko at nanggagalaiting sinamaan siya ng tingin.

"Bwiset ka talaga sa buhay ko! Akala mo naman gusto kita? Kung ayaw mo 'ko, mas lalong ayaw kita! Sige nga ilan ang height mo!?" Ume-eco na sa kalsada ang matinis kong boses.

Alam kong hindi naman ako gano'n katangkaran, sinasabi nga nila na ang cute raw ng height ko. Hindi masasabing maliit at hindi rin masasabing matangkad, tama lang. 5'2 ang height ko samantalang ang katabi ko ay isang kapre.

"6." Simpleng sabi niya at hinawi ang payong na nasa kaniyang leeg at yumuko saakin. "Sinabi kong hindi ko gusto ang mga maliliit, pero hindi ibig sabihin no'n ay ayoko sa'yo."

Kusa nang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha ko at ang bibig ko ay nangangapa sa pweding ibugang maaanghang na salita sakaniya, ngunit nalunok ko yata ang dila ko.

Ang dibdib ko ay mabilis sa pagtibok na taliwas sa normal na galaw nito. Napahawak nalang ako sa aking pisnge at sinundan nalang siya ng tingin nang lampasan niya ako.

DS #2: Hiding from the Demon's Eyes [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon