I was busy looking for a perfect and good meat when suddenly Rios ran away from me. Nai-iling ko siyang sinundan. He went to his favorite section in the grocery's store: chocolate section.
"Anak, Rios, I told you to stay with Moma lang, right?" mahinahong sabi ko nang makalapit ako sa kaniya.
Napahilot ako sa sentido ko nang hindi niya ako bigyan ng pansin. Mas pinagtutuonan niya ng pansin ang paghahanap niya sa chocolate na kanina niya pa sinasabi sa akin.
God, why Rios is so stubborn like his Father?
Napailing-iling ako sa naisip. Hindi pa rin ako nakaka-move on sa post niya kanina, ha! Ako ba ang tinutukoy niya roon? Baka rumor lang talaga ang news na nakita ko nung nakaraan na may girlfriend siya?
Pero kung totoo man 'tong nasa isip ko ngayon, may hindi pa rin naman ako makalimutang sinabi niya. At isa 'yon sa humahadlang sa akin para sabihin sa kanya na may anak kami.
His words are still in my head. How can I forget that? Rios deserves to know that his Father is still alive, but how will I tell Eliot if he once told me that he doesn't want a child?
Natatakot ako sa mga posibleng mangyari. At higit sa lahat, mas kinakatakot ko na itakwil niya ang anak ko. Ayaw niya pa nga ng anak, hindi ba? Kaya mas mabuting huwag ko na lang ipaalam sa kanya ang tungkol doon.
Pero umaasa si Rios sa kanya.
Nakakalungkot lang isipin na isang ala-ala na lang ang mga matatamis na pinagsaluhan namin noon at posibleng mananatili na lang 'yon doon.
Nakakalungkot isipin na kahit kailan ay hindi na muli pang mangyayari 'yon. Hindi ko naman pinagsisihan na nakilala ko siya, e. I was actually happy because I met him. Kung hindi ko siya nakilala, Rios is not here.
I and Rios are happy kahit na dalawa lang kami sa condo na tinutuluyan namin. Napo-provide ko naman ang mga kailangan niya. Hindi naman siya kumakain ng wala sa oras, hindi ko naman siya sinasaktan. Kaya bakit niya kakailanganin ng Tatay na alam kong posibleng hindi naman siya tatanggapin?
I can be his Father and at the same his Mother. I'll make the impossible to be possible just to make him happy. Ganoon ko ka-mahal ang anak ko. I can even sacrifice my life for him!
Pero alam kong para sa anak ko kulang pa rin ang pagmamahal na ibinibigay ko. Na kahit ibigay ko pa ang buong universe sa kaniya, hindi pa rin sapat kung hindi niya nararamdaman ang pagmamahal ng ama niya.
Nagising ako sa reyalidad nang may pamilyar na boses ang pumalahaw nang napakalakas. Rios! That's Rios's voice! What happened to my son?!
Dali-dali akong tumakbo kung nasaan siya ngayon. Nasa section na siya ng mga powdered milk at nakadapa siya roon habang malakas na umiiyak. 'Yong mga tao naman na naroon ay tinitingnan lang siya! Hindi man lang tinulungan ang anak ko na tumayo! Madapa rin sana ang anak nila, mga bwiset!
Hindi pa man ako nakakalapit sa pwesto niya ay may isang bulto na ng lalaki ang lumapit sa kanya para itayo siya nang dahan-dahan. Isang lalaki na hindi ko kailan man inaasahang makikita ko ngayon. Parang kanina lang nakita ko ang post niya, ah? Napakalupit nga talaga maglaro ng tadhana.
Gulat ko lang na pinagmamasadan ang lalaki na pinapagpagan ang tuhod ng anak ko. Hindi ko alam kung lalapit ba ako doon at ilalayo ang anak ko sa ama niya o magpapanggap na walang relasyon sa bata.
Kinakabahan ako dahil baka nasugatan na ang tuhod ng anak ko pero mas kinakabahan ako dahil ang lalaking nagpapatahan ngayon sa anak ko ay ang ama niya!
Ano'ng gagawin ko? I can't even go near them because I know to myself that I'm hiding my best friend's son!
O best friend pa nga ba ang turing niya sa akin?
_________________________________________________________________________________________
One more time, this is the edited or revised version of this story. :)))
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomanceCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22
