***"Fabio, ano ba iyang pinapanood mo? Kanina pa kita tinatawag, ah."
Napanganga ako nang dali-daling pinatay ni Fabio ang T.V. Nagtataka ko siyang tiningnan, pero binigyan niya lang ako alanganing ngiti. Kumunot ang noo ko dahil parang may tinatago siya.
"Fabio, what happen?" nagtataka kong tanong. Nilagay ko pa ang dalawa kong braso sa tapat ng dibdib ko.
"H-Ha? Wala n-naman. Hinahanap mo sa si Rios? Nasa garden siya, nagpaalam sa akin na maglalaro lang, kasama niya si Manang Imelda."
Napakunot ako ng noo. "Kanina ko pa nakuha si Rios sa garden. Kanina pa rin kita tinatawag dahil nga hinahanap ko so Rios, but you seemed busy watching. Anong pinapanood mo?"
"Ha? Wala naman. Gabi na matulog na kayo," natatawang sambit niya pero ramdam ko ang kaba sa tawa niya.
"Really?" paninigurado ko. Sunod-sunod naman siyang tumango pero hindi ako satisfied sa sinagot niya.
Lumapit ako sa coffee table kung nasaan ang remote. Pipindutin ko na sana ang remote para mabuksan ang T.V pero hinablot sa akin iyon ni Fabio. Really, what's his problem?
"M-Matulog na kayo, ako na naman malalagot nito kay Boss Rafael, e," nagkamot siya ng ulo.
"Give me the remote," malamig kong sambit. Umiling-iling siya kaya hinablot ko na sa kanya ang remote at binuksan ang T.V.
Balita pala ang pinanonood ni Fabio. Nakatuon lang sa T.V ang paningin ko hanggang sa may isang hindi ko inaasahang lalaking lumabas sa telebisyon. Nasa balita siya at mukhang ine-interview.
Malawak ang ngiti ni Eliot samantakang ako ay hindi na makakilos dahil sa gulat. Kaya ba ayaw ibigay sa akin ni Fabio ang remote? I heard Fabio sighed.
"Kaya ayokong ibigay iyong remote, e. Kapag nalaman ito ni Boss Rafael lagot na naman ako."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at pinakatitigan lang ang mukha ni Eliot sa T.V. Ang dami niyang pinagbago. Mas naging fit ang katawan niya at kung maputi na siya noon, mas pumuti siya ngayon. Iyong totoo, pinainom ba ito ng kojic?
"So, ngayong bago na ang manager mo at tuluyan mo nang pinasok ang showbiz, anong nararamdaman mo ngayon?" tanong ng reporter kay Eliot.
Ngumiti nang malawak si Eliot bago sumagot. "Uhm, of course I'm happy, pero nakakaramdam din ng lungkot at the same time dahil nga tinalikuran ko na ang modeling."
Huh? Umalis siya sa pagmomodelo? Bakit?
"So, last question, Duke. May girlfriend or any flings or single ka ba ngayon? Mas hahaba pa ba ang sinasabing pila ng mga fans mo o mapuputol na?" tanong muli ng reporter.
Napalunok naman ako dahil sa tanong na iyon. Anong klase ba itong mga tanong na ito? Nakaka-stress.
"Ah, Maureen, matulog ka na baka hinahanap ka na ni Rios," sabat ni Fabio.
"Shut up, tulog na si Rios," masungit kong sabi. Bago ako bumaba ay pinatulog ko muna ang makulit na iyon.
Tumikhim si Eliot bago sumagot. "Ah, matagal nang putol ang pila. I'm single but I'm already taken by someone." Sagot niya. Sabay-sabay namang napa "ohh" ang mga reporter.
Single but already taken? Ano 'yon? Single siya pero taken by Chantel? Corny naman dami pang pa-sweet words, e. Hindi naman sa bitter ako, nagsasabi lang.
"Single but taken by someone. Hmm. Masyadong malalim. As much as we want to interview you more we can't because the time that had given to us is done. Thank you for your short time, Duke." ani ng reporter na nakapagpa simangot sa akin.

YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomansaCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22