30

803 17 0
                                        


***

"Mag-ta-transfer ka ng school, Eliot."

Napanganga ako nang sabihin ni Mama 'yon. Ano raw?! Ako lilipat ng school?!Bakit naman?! Kapag lumipat ako ng school, hindi ko na makikita ang crush kong si Devorah! Ayokong mag-transfer! No! Never!

"Alam ko iyang iniisip mo, huwag mo na subukang kumontra. Lilipat ka ng school dahil lilipat na rin tayo ng bahay. Malapit lang sa bagong trabaho ng Papa mo ang magiging bagong bahay natin." Naka-taas kilay na sabi ni Mama.

Langya! Wala pa nga akong sinasabi alam na niya ang nasa utak ko! Mind reader ba 'to si Mama?! May super powers ba siya?! Hala, gagsotog, prinsipe ba ako ng isang kaharian? Uy, bagay naman ah.

Prince Eliot Duke Smith.

Oh, 'di ba! Yayamin ang tunog! Ano ba, ako lang naman 'to! Napadaing ako nang bigla akong batukan ni Mama. Ano ba naman itong si Mama! Panira, e!

Hanggang sa sumapit na ang araw ng paglilipat namin, hindi pa rin ako makapaniwala. Naiiyak pa nga ako nang mag-paalam ako sa mga tropa ko, eh. Tapos nung nag-paalam naman ako kay Devorah, inirapan lang ako!

"Mama, akin ba 'tong isang kwarto?! Astig naman may kwarto na ako!" mangha kong sambit.

"Oo, kwarto mo 'yan. Kahit hindi ka pa tuli kailangan mo na ng sariling kwarto."

Aray! Foul si Mama roon, ah?! Magpapatuli naman ako, pero hindi pa ngayon! Nakakatakot kaya mag-patuli! Naalala ko pa hanggang ngayon 'yung sinabi ng babae kong classmate! Pinuputol daw 'yung ano namin! Dahil doon natakot na akong magpatuli.

"Mama, magpapatuli naman po ako!" reklamo ko. Nakakainis kasi si Mama, masyadong mapanakit.

"Kailan, kapag puti na ang uwak? Grade nine ka na, Eliot! Magpatuli ka na, huy!" Pang-aasar ni Mama.

Sumimangot na lang ako sa sinabi niya. Kahit kailan talaga hindi ako mananalo sa asaran kapag si Mama ang kalaban ko. Mana ako sa kaniya na mapang-asar pero lagi akong talo kapag kaming dalawa ang nag-aasaran.

"Ano ba 'yan, nagtatalo na naman kayong dalawa."

Napangiti ako nang pumasok na si Papa ng bahay. "Papa, si Mama kasi nang-aasar!" sumbong ko.

"Ewan ko sa inyo. Mag-ayos ka na ng gamit mo. Next week ipapatuli ka na namin," sabi ni Papa sabay tawa.

'Nak ng tokneneng! Pati ba naman siya?! Lagi talaga akong api sa pamilyang 'to, eh! Hindi ko alam kung anak ba talaga nila ako o manika!

Nakanguso akong pumasok sa magiging kwarto ko. Hindi naman 'yon malaki at hindi rin maliit. Sakto lang para sa akin. Nag-simula ko nang ayusin ang mga damit ko at ang mga iba ko pang gamit. Nang matapos ako, nagpahinga lang ako sandali hanggang sa hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako.

Tatlong araw na kami ngayon dito sa bago naming tirahan, and so far so good naman. Friendly naman mga kapitbahay namin, chismosa nga lang. Wala pa akong kakilala rito, nag-hahanap pa ako ng pwede kong alilain. Joke lang.

"Eliot, bumili ka nga muna ng toyo diyan sa may tindahan. Hindi pala ako nakabili."

Agad kong sinunod ang utos ng mahal na reyna-este ni Mama. Sa kasamaang palad, naubusan ng tindang toyo ang tindahan na malapit sa amin kaya naghanap pa ako ng tindahan na pagbibilhan ko ng toyo. 'Di kalayuan sa bahay namin ay nakakita ako ng tindahan, may bumibili roon na babae. Sa tingin ko ay mas matanda ako sa kaniya ng isang taon. Ang liit kasi, eh. Hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakaharang ang mahaba niyang buhok sa mukha niya.

Aswang ba 'to?

Naglakad ako papunta sa tindahan na 'yon at hinintay na matapos ang babae sa binibili niya. Ang tagal naman niyang bumili! Masesermonan na naman ako nito! Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang humarap sa akin ang babae. Nakakunot ang noo nito na tila ba galit siya sa mundo. Hindi ko alam pero biglang bumilis 'yung tibok ng puso ko.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now