***"Babe, did you see my pills?"
Kanina pa ako paikot-ikot sa loob ng bagong condo ni Eliot kahahanap sa pills ko. Kalilipat lang ni Eliot dito kahapon dahil gusto ng manager niya. Naiinis pa rin ako sa Jose na 'yon dahil sa ginawa niyang pagpa-partner kay Eliot sa ibang babae, pero anong magagawa ko? Saka totoo naman ang sinabi niya na trabaho lang 'yon kaya hinayaan ko na lang.
Naka-ilang ikot na ako sa condo ni Eliot ngunit hindi ko pa rin mahanap ang pills ko. Sa pagkakaalam ko ay naroon lang 'yon sa bag ko, pero nang tingnan ko 'yon sa bag ay wala. Hindi naman pwedeng naglakad 'yon palayo 'di ba? Hindi ako pwedeng makapag-skip ng pills kung ayaw kong mapuno ng pakwan ang tyan ko ng siyam na buwan. Masyado pa kaming bata ni Eliot para roon at nagsisimula pa lang ang relasyon namin.
Napalingon ako sa pintuan ng kwarto ni Eliot nang bumukas 'yon at iniluwal siya. Basa ang buhok nito at may nakasabit pang tuwalya sa batok niya habang may kakunting tubig ang tumutulo sa katawan niya. Topless siya ngayon. Kung noong unang beses ko siyang nakitang ganiyan ay halos magpakain ako sa lupa, ngayon ay wala na lang 'yon para sa akin.
I've seen more than that, by the way.
Nakangiti siyang lumapit sa akin saka ipinalibot ang dalawang braso sa beywang ko. Isiniksik niya rin ang ulo niya sa leeg ko at sininghot-singhot 'yon. Nararamdaman ko pa ang paghalik niya sa leeg ko kaya nakakaramdam ako ng kiliti.
"Babe, nakita mo ba 'yung pills ko?" I asked him again.
"Pills? You're using pills?" Humilay ang mukha niya sa leeg ko saka ako tiningnan nang may pagtataka. Tumango lang ako bilang sagot. "I didn't see your pills. Baka naitapon mo 'yon."
Kumunot ang noo ko. Naitapon? Impossible naman yata 'yon. Humiwalay ako sa kanya saka pinatakan siya ng mabilis na halik. "Hahanapin ko lang muna. Mag-ayos kana dahil baka ma-late ka pa."
Nagpatuloy lang ang sa paghahanap ng nawawala kong pills. Kung hindi ko mahanap 'yon ngayon ay bibili na lang ako ng bago sa botika. After a couple of minutes, hindi ko pa rin mahanap ang hinahanap ko kaya napag-desisyonan ko nang bumili na lang ng bago.
Nilapitan ko si Eliot na abala sa paglalagay ng gamit sa bag niya. Magkikita sila ng manager niya kasama ang Chantel na 'yon sa isang restaurant na malapit dito. Hindi ko gusto ang ideya na magkasama silang dalawa, pero ayoko namang bawalan si Eliot na pumunta roon. Baka importante ang paguusapan.
"Nahanap mo na?" tanong niya nang makalapit ako sa kanya.
"Hindi pa, bibili na lang siguro ako," I answered.
"Hindi mo naman kailangan gumamit ng pills. We can do the pull out, you know."
Literal na napanganga ako sa sinambit niya. Siya ba talaga ang nagsabi noon? Habang tumatagal ang relasyon namin mas lalong lumalabas ang wild side ni Eliot. Nababliw na ako sa mga lumalabas sa bibig niya.
"Ewan ko sa'yo. Iba pa rin ang may pills. Ikaw pa naman ayaw mong gumamit ng cond0m," medyo inis kong sambit.
"Hindi natin mararamdaman ang tunay na sarap kung gagamit ako noon," he said, smirking.
Hinampas ko siya. "Kung ano-ano nang lumalabas sa bibig mo! Sino nagturo sa'yo niyan?" Pinandilatan ko siya.
"Natutunan ko sa por- Aray! Babe, what was that for?" inda niya habang nakahawak sa braso niya. Hinampas ko kasi siya para hindi maituloy ang sasabihin.
"You and your mouth," inis kong wika. Tinawanan lang ako nito.
"Me and my mouth suits you." He kissed me. Umirap lang ako at hindi na siya sinagot pa.
YOU ARE READING
The Model's Hidden Son
RomansaCompleted. I'm giving the full credits to the rightful owner of the picture used as book cover. Date started: 04/18/22 Date ended: 10/23/22