04

517 12 0
                                    


***

Naputol ang pagdi-discuss sa amin ni Ma'am Balingit nang may isang estudyante ang sumilip sa room. Tinanong siya ni Ma'am kung ano'ng kailangan nito dahil paikot-ikot ang tingin niya sa buong classroom namin, tila may hinahanap. Hindi ko alam kung bingi ba 'yung babae dahil hindi niya pinansin si Ma'am. Inulit ni M'am ang tanong niya sa babae, pero mas malakas na 'yon kaysa kanina. Sa wakas ay tumingin na siya kay Ma'am Dhiemhienal at ngumiti ng pilit.

"Good Morning, po! Ahm, pinapatawag po ni Ma'am Castro sila Miss Perez at saka Miss Diaz. Nasa dean's office po," sabi ng babae kay Ma'am.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bakit ako pinapatawag? May nakakita ba sa ginawa ko kay Clara kahapon? Ito na nga ba ang sinasabi ko, e! Siguro ay isa sa mga nagvi-video ang nagsumbong sa dean o 'di kaya ay kay Ma'am Castro. Malaman ko lang talaga kung sino 'yon, mababawasan siya ng buhok.

"Miss Perez and Miss Diaz, go ahead," masungit na sabi ni Ma'am.

Tatayo na sana ako nang bigla akong hilahin ni Eliot. Kunot noo ko siyang tiningnan. "Ano?" naiinis kong tanong.

"Sama kaya ako? Ako 'yung kinakabahan para sa'yo, e," bulong niya sa ikinatawa ko. Mahina ko siyang binatukan saka tuluyan nang tumayo.

Dire-diretso akong naglakad palabas ng room. Alam kong kasunod ko si Clara ngayon na namumula ang baba na mahigpit kong hinawakan kahapon. Malay ko bang mamamaga 'yan dahil sa sobrang paghawak ko. Actually, kulang pa nga eh. Nakakagigil ang mukha niya. Akala mo kung sinong mabait pero may sungay naman talaga.

Nang makarating kami sa Dean's office ay hindi na sumama ang babaeng sumundo sa amin dahil may klase pa raw siya. Ang ending tuloy ay kaming dalawa lang ni Clara ang pumasok. Sobra pa ang pagpipigil ko dahil baka maambahan ko siya ng 'di oras.

"Miss Perez, Miss Diaz, have a seat," sabi ni Miss Castro nang makapasok kami.

Inilibot ko muna ang tingin ko sa kabuonan ng office ni Dean dahil first time kong makapasok dito. Based kasi sa nalalaman ko ay tanging mga nade-detention lang ang pinapapunta rito. Hindi naman ako kinakabahan na madetention. Experience rin kaya 'yon! First time ko ma-dentention kung sakali.

"So, a student came to me and made me watched a video," panimula ni Dean. Pinadikit niya ang mga daliri niya bago nagpatuloy sa pagsasalita, "And you know what I saw in that video? You, Miss Perez, hurting Miss Diaz. What's the meaning of that?"

Napapikit ako. Sinasabi ko na ng aba, e. Magtago-tago na talaga ang kumuha ng video na 'yon.

"She started it first, dean," depensa ko sa sarili.

"W-What? I'm just going to buy fishball yesterday but you suddenly grab my arm," pabebeng sabi naman nito ni Clara. Masama ko siyang tiningnan dahil sa pag-iiba niya ng kwento.

"Anong suddenly grab your arm?! Hindi kita masasaktan kung wala kang ginawa!" nagpipigil kong sabi. Pumunta sa side ko si Miss Castro na kanina ay nasa tabi ni dean.

"Miss Perez, let's calm down," mahinahong sabi ni Ma'am.

"Hindi po, Ma'am. Paano ako kakalma kung gumagawa na lang ng kwento 'tong babae na 'to?! Sinadya mo akong banggain kahapon kaya natapon 'yung sauce sa uniform ko! Tapos inirapan mo pa ako! Sino ngayon ang nagsimula ng lahat, huh?" sigaw ko. Hindi na ako nakapagpigil dahil sa inis.

Pilit akong pinapakalma ni Ma'am habang si dean naman ay palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa ni Clara. Maya-maya lang ay sumandal siya sa swivel chair niya at tumikhim. Masama ko pa ring tinitingnan si Clara na nakayuko lang. Nang kumalma na ako ay binalingan ko ng tingin si dean.

The Model's Hidden SonWhere stories live. Discover now